P#4 – Huwag Makinig

Ang nararamdaman ay idadaan na lang sa tula
Ang mga pag-iyak ay gagamitan na lang ng salita
Itatago ang mga lungkot sa likod ng mga tala
Idaan na lang sa ngiti upang sila’y hindi makahalata.

Sa lahat ng panghuhusga, ang sarili’y sanayin mo
Ano pa bang aasahan mo dito sa ating mundo
Hindi, hindi pala sa mundo kundi sa mga tao
Mga taong walang ginawa kundi ang suriin ang kakayahan mo.

~ 112917 / 8:31am

Is it Okay To Be OVERLY Industrious???

We have a new housemate. Yeah PBB ang peg. Itago na lang natin siya sa pangalang Ate V. First day niya nung November 4. Pero hindi kami nun nagkita kasi nasa province ako.

So eto na nga po ang kwento. Gusto ko kasi itong i-share para na rin makahingi ng opinyon about this matter.

Okay nga lang ba talaga ang maging masipag? As in. To the extent na inaabot na ng hanggang 11:00-12:00 pm ang paglilinis niya?Read More »

P#1 – People Come And Go

People really come and go.
Gaya na lang ng pilik mata mo.
Maya’t maya’y may nahuhulog
Bukas nama’y may muling tutubo.

Hindi natin iyon mapipigilan
Tulad ng iyong nararamdaman
Sa taong sobra mong kinagigiliwan.

People really come and go
Gaya ng isang dahon sa puno
Na kahapo’y nilabanan ang hangin at hindi sumuko
Pero ngayon ay bigla na lang naglaho.

Ganyan talaga ang buhay
May biglang dadating, may bigla ding aalis.
Parang tubig sa ilog na dumadaloy ng mabilis.

People come and go. People come and go.
Dahil diyan, eto ang tanong ko.
Lilisanin mo din ba ako?
Sa ere’y bibitawan mo?
At iiwanan mo sa kanto?

Tulad ng magnanakaw na kumuha ng pera sa bangko?
Tulad ng usa na kumakaripas sa pagtakbo?
Tulad ng paglipad sa langit ng isang lobo?
Tulad ka rin ba niya at ituturing din akong multo?

Bakit kailangang may umalis?
Bakit hindi na lang sila manatili?
Bakit kailangang may umalis?
Bakit hindi na lang sila mamalagi?

Para sana wala na lang nasasaktan
Sa mga panahong may lumilisan.
Sana’y ang mga panahong pinagsamahan
Ay hindi na lang kalimutan.

Iyon lang ang aking hiling
Sana’y inyong tuparin.
Iyon lang ang aking hiling
Sana’y iyong dinggin.

~ 082217 / 3:34pm

Pagtanggap

Hindi ko inasahan na sobra akong maaapektuhan ng mga nangyari these past few weeks. Dahilan na rin para mawalan ako ng drive para magsulat muli.

Ang dami ko pa ring mga katanungan. Mga “BAKITs” na hindi ko pa rin mahanapan ng mga kasagutan. Mga “ANOs” na hindi ko talaga malaman kung ano nga ba talaga. Mga “PAANOs” na hindi ko pa rin alam kung paano nga ba akong magsisimula sa panibagong yugto ng aking pagpapatuloy sa buhay na pahiram Niya.Read More »