What’s The Feeling of Being a Third Wheeler?

“Hindi malungkot, hindi rin masaya. Balanse lang. Ganon lang naman dapat, diba?”

I can say na since birth up to 26 years old ay third wheeler na yata ako(not yet 26 here, looking forward ang peg 😍). From my childhood friends na maagang naglablayp, high schoolmates na maagang nagdalaga at nagbinata kaya bumenta na(sorry for the term), no entry for college colleague(bisi-bisihan kasi) to now.

I have this very friend of mine na simula pa lang bata ay friend ko na. Pero hindi kami ganoon ka-close dati. Pero ngayon, parang super sisters na kami. Lovelife niya from HS ay nasubaybayan ko na. At since HS nga, naging third wheel na ako sa buhay pag ibig niya. Syempre may konting inggit pa dati kasi nga bakit siya may lablayp na ako wala pa. Mga ganyang thinking.

Pero biglang nag iba na ngayon. Dahil na rin siguro ako yung tinatakbuhan niya kapag may LQ sila ng bf niya ngayon(up to forever na), ay nakita ko kung gaano kasaya maging single. Not super happy, pero may perks at advantages pa rin.

Matagal ko na silang nakakasama sa mga lakad, minsan ako mag-aaya, minsan naman sila. At saksi ako sa kanilang buhay pag ibig at kita ko rin kung gaano kasaya ang mayroong lovelife.

Minsan pa nga ay madalas pala, sa harap ko sila mismo nag-aaway. Hindi naman bugbugan, pero yung tampuhan o hindi lang nagkaintindihan. Ako naman, mapapatalikod ng automatic because I know that’s the time that I need to step back. Pero pag harap ko, okay na sila. Kaya si ako ulit, mangingiti na lang ng automatic, again. But seriously, nakakatuwa sila. And at that moment din, automatic(again) na mapapa-imagine ako if ano naman yung magiging love life ko. Away bati din kaya kami, mga ganern. Haha. Yayyy, kinikilig ako. πŸ˜πŸ˜πŸ˜‚

So here, ngayon ko lang naisip isulat ang bagay na ito at i-post dito. Kaso I can’t show their faces, kasi nga diba, may pagka-private ang blog kong ito. Wahaha. πŸ˜πŸ˜‚

Ang maging third wheel? Masaya, kung sa masaya. *pause* Masaya talaga.

Kaya tuloy na-e-excite akong ma-meet ka na(kunwari follower kita at ito’y iyong nababasa 😍).

*****

I just want to share this super embarrassing and yet memorable day of my 20+ years of existence. To follow yung story ’bout that embarrassing moment. πŸ˜†πŸ˜…πŸ˜‚πŸ˜ƒπŸ˜„

Processed with VSCO with f2 preset
“Mahal, hindi ko makita si LA.” πŸ˜”
“Anjan lang yun. Basta naka-red siya.” πŸ˜‚

“Yung boyfriend na supportive at pipicturan ka while chasing your favorite PBA Team players. Weeeee….. Sana talaga yung soon-to-be(boyfriend)ko ay supportive rin sa aking bisyo. Tapos hindi ako pipigilan sa pagcheer(pagtili ng parang walang bukas). Tapos hindi mabwi-bwisit kahit na bugbog sarado na siya everytime na makaka-shoot ang Ginebra.”

Owww, wait. I’m being hopeless romantic na naman and believing na may ganoong klaseng guy(kung mayroon man, ipakilala niyo sakin, daliiii). Haha, ay wala nga palang ganoon.

Sa ngayon, susulitin ko muna ang pagiging third wheeler ko. Yeah. Ang saya kaya. Pramis, never akong na-OP sa kanilang dalawa. Kung iba siguro, mas pipiliin na umuwi na lang dahil hindi na maatim na makita ang dalawang love birds na ito.

Kaya lab na lab ko itong super friend kong ‘to eh. Feeling ko nga rin parehas niya kaming jowa. Tapos wala siyang MAS MAHAL.

Hindi naman sa ayaw kong magka-LL, pero kung ganito ang magiging kaibigan mo, ay nako. Sapat na, sobra pa. Saan ka pa, sakay na. Third wheel ako, diba(oha, waleyyy. πŸ˜πŸ˜πŸ˜‚πŸ˜‚).

Osha, eto na talaga ang totoong caption nito. I’m so happy for my Mahal(our endearment) that he is her Mahal(their endearment too), haha. Pero mas masaya ako dahil ako ang nauna niyang MAHAL. Yeahhhhh.

Processed with VSCO with f2 preset
“Waaahh, andun siya.” πŸ‘†
“Sino? Si LA?” 😲
“Hindi, si Semerad. Yung crush ko sa TNT.” 😍

Yayyyy, ang haba na nito. Hopsss na nga.

Note: Ako yung naka-yellow. Yeah, I’m the floor.Β πŸ’›Β πŸ˜

Nangingiti ng automatic at kinilikig ng biglaan,
Lapis ✏

Advertisements

7 thoughts on “What’s The Feeling of Being a Third Wheeler?

  1. Unang-una, yes.. may ganun pang lalaki na sasalo ng mga palo at hampas mo kapag nakaka-shoot ang Ginebra. And yes, he won’t bother kahit magsisigaw ka pa.. 😊

    Pangalawa, sino ba may crush kay LA? Ikaw ba or yung friend mo? Ayun si LA oh, kitang-kita ko sa pic. πŸ˜„

    At ikatlo, ringside ba ticket nyo?

    Liked by 2 people

    • Haha, dali Kuya, pakilala mo na siya sakin. πŸ˜πŸ˜πŸ˜‚πŸ˜‚ Ung bf kasi na ‘to ni friend pinagalitan siya kasi nakakahiya daw sa nakaupo sa harap namin. 😁😁 Adi ayun, tahimik si friend hanggang last 2 minutes ng 4th qtr. Haha.

      Si friend ko po. Ang likot po kasi ni LA kaya ang hirap makita, tapos maliit pa. Wahaha. πŸ˜πŸ˜πŸ˜‚πŸ˜‚

      Sa Patron B po. Sa side ng commentator. Pero pwedeng bumaba hanggang sa ringside. 😍😍😍

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s