We Are Not A Toy To be Toyed

Bakit ganun? Bakit kapag gusto kong magpahinga/matulog ng maaga eh biglang may magcha-chat/text sakin na friend/friends para maghimutok? Edi si ako naman, dadamayan sila. Aadbaysan din. Hindi talaga ako matutulog hangga’t hindi natatapos yung gusto nilang sabihin o ilabas.

Naiinis ako(hindi dahil sa hindi ako agad nakapagpahinga after I get tired from jogging, na dapat tulog na ako sa mga oras na ‘to, kundi dahil ang land* nung lalaking yun, ang sarap niyang bugbugin at durugin tulad ng buhangin). Ang sakit sa ulo/puso ng mga lalaki na yan(Wahaha, pasintabi po. Hindi ko naman po nilalahat). Bakit ba kasi ang pa-fall/paasa niyo? Geh, sabihin niyo nang ang assumer namin o mabilis kaming ma-fall. But wait, hindi naman kami mahuhulog kung wala kaming na-fifeel na something eh. Let’s say, we’re driving. Madilim ang daan, walang barrier o kung ano pa man tawag sa mga harang sa mga roads. Mahuhulog talaga kami dahil wala namang harang. We just go and go kahit na alam naming delikado. Pero nagtiwala na lang kami sa nakikita namin, na baka meron. Nagtiwala kaming may sasalo samin dun sa dulo. Pakiramdam lang ba. Nagegets niyo po ba? Basta, ganun.

Naiinis talaga ako. Yung mga kaibigan kong iyon, hindi nila deserve yung ganung treatment from that kind of *toot* guys eh. Pero bakit may mga ganoong klaseng mga lalaki? We girls deserve a kind of love that is so genuine and precious. Because we are precious. Our feelings too. Kaso bakit may mga lalaking mahilig maglaro ng feelings ng mga babae? Kung wala kayong balak at pakikipaglaro lang ang gusto niyo, please lang, wag kami. Pumili kayo ng gusto ay ang makipaglaro din. Sorry that I’m saying this. Nasasaktan kasi ako on behalf of my friend. Tao kaming mga babae, hindi bato. May feelings, marupok, umaasa, nasasaktan, nagmamahal.

I admit, may pagkakamali din kami. Ito ay yung masyado kaming nabulag sa pagiging sweet niyo. Which is natural lang pala sa inyo yun. Na wala naman pala talagang ibig sabihin dahil yun kayo.

Sorry din kung dinadaig pa namin ang dictionary sa pagbibigay ng meaning sa mga bagay bagay. Pero keep this in your mind guys, “WALANG MAFO-FALL/AASA KUNG WALANG PA-FALL/PAASA.” Kung wala talaga, just say it(na friendly lang talaga kayo, na bored/malungkot lang kayo sa buhay niyo, na gusto niyo lang ng kausap o kung ano pa man), just end all of your pa-fall ek-ek like sweet chats/replies, special treatment and all.

Wag niyo kami bigyan ng false hopes. Wag niyo kaming gawing palipasan lang ng oras.

To my friend over there, chin up girl. Makakatagpo din sila ng katapat nila. Haha. Basta, you don’t deserve that kind of treatment. Let go. Alisin ang toxic na lalaking yun sa buhay mo. I know hindi pa ito yung right time para makamove on ka. But remember this, lilinya din ang iyong mga bituin. Kung hindi pa ngayon, pwedeng bukas, sa isang araw, sa isang buwan. Sa ngayon focus ka muna on yourself, family and friends. Call unto Him. He can help you. He can remove all the hurts that your experiencing right now. Pero syempre tulungan mo din sarili mo. FIGHTING.

P.S.
Sorry naman po sa hanash kong ‘to. I can’t contain na kasi eh. Tulad ng friend ko, feeling ko sasabog din ako. Para bang na-absorb ko yung mga ganap, yung nararamdaman niya, yung basta. Yun na yon.

Naiinis, nagtatanong at gusto nang manuntok/manusok ng mga *toot* boys,

Lapis✏

Advertisements

2 thoughts on “We Are Not A Toy To be Toyed

  1. LOL. As you age… erase erase.

    As you gain wisdom over the years, you will learn the Art of Deadma. You will learn not to be assumptive. You will learn that everything should be supported by words of confirmation. Accounting grad tayo, nak. We believe in the golden rule, “Do not assume unless otherwise stated.”

    Cheer up, girls! Hamo, may kapupulutan ang mga ‘yan. 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s