Three Things Why I’m Sad(Happy)

Cheers to three years!

Well, cheers nga ba talaga? Haha.

Seriously, masaya ako na umabot ako ng three years sa current and first job ko ngayon. Ang goal ko lang talaga is two years lang then gora na. Pero sadyang mapagbiro ang life. At minsan hindi ko gusto ang sense of humor niyang iyon. Charot. Joke lang. āœŒ

But then, hindi naman mawawala ang pagiging grateful ko dahil sa mga pangyayari. I loved and enjoyed my job seriously, but that was before I transferred to another section.

Maraming friends ko rin ang nainggit dahil ang ganda daw ng work ko. Hindi masyadong stress, isa lang ang deadline, hindi loaded ng work. Ako na nga ang umaayaw sa kanya eh. Dahil madalas akong ma-bored. Kesyo wala kasing thrill, that’s why madalas akong model sa table ko.
[model – nakatutok lang sa computer at nagkukunwaring busy, pose dito, pose don]

But I loved that. I enjoyed that. Madalas ko din masabi sa sarili ko, “Parang hindi ako tatagal sa work na ‘to. Nabo-bored ako. Bet ko yung maya’t maya may ginagawa.” Booooom! And that is a BIG BOOM talaga. *insert boom boom song of Momoland* (Charot, nakikiuso lang. Not a fan neither a basher.)

“Be careful what you wish for.”

Shocks, bakit hindi ako naging careful? Haha. Narinig ng langit ang aking mga pinagsasabi ng mga araw yun. At ayun na nga po, nalipat ako sa trabahong kabaliktaran ng iniwanan kong pwesto. Ahuhu. Every week may deadline, maraming ginagawa. Hindi ka pa tapos sa ginagawa mo, may dadating na naman at syempre, super stressFULL. Na-stress ako ng bongga.

Pero masaya ako ngayon. Lalo na’t makakalaya na ako. Wooohooo. Twenty-nine days to go, I will be totally free from my toxic job. Ow, let’s rephrase it. (Read in a slowmo. Para pang kontrabida ang peg. šŸ˜) From my toxic second manager rather. Tss. Okay, forget that. Ayoko namang umalis ng may dala dala pa rin na hmmm, sama ng loob? Tampo? Galit? Nope. Hindi naman ako ganung klaseng lapis. Hindi ko kayang manakit ng damdamin ng iba for my own sake. Wehhh? Haha. Hindi na nga ako matalas eh paano pa ako makakapanakit, diba?

Ah basta. I will enjoy and will be happy for that remaining days. Though may lungkot pa rin talaga akong mararamdaman. Alam mo yun, from the start ka na naman. Panibagong pakikisama, environment, workloads. Pero keri lang. Pero sabi ko kaya dati sa sarili ko nun hanggang 2020 ako dun. Pero wala eh. Totoo talaga na hindi lahat ng plano at pinaplano mo ay nangyayari.

Oh well, hindi talaga ito yung gusto kong sabihin. Haha.

What are those three things ba kasi kung bakit ako malungkot?

First, I SUPER MISS MY HOME. “There’s no place like home.” Three years na akong namumuhay ng malayo sa family ko. Walang sinuman ang sasaya sa thought na iyon. Right? Lahat ng nandun sa province ay miss ko na ng bongga. Yung fresh air na kahit amoy palay kapag anihan feel na feel ko pa rin langhapin, yung pagtilaok ng manok sapat para ako’y magising, yung maaliwalas na langit na punung puno ng mga bituin, yung mga prutas sa bakuran na iyo lang susungkitin at hindi na kailangan pang akyatin, and many to mention. Basta lahat ng nandun, miss ko na. Super.

At sino din ba ang hindi malulungkot kapag hindi ka na nakakakain ng totoong pagkain? Ewan ko, pero para kasi sakin ang luto ng aking Tatay, Nanay, Ate at bunsong kapatid ay ang mga totoong pagkain. Let’s say, lutong bahay/probinsya. Yung bang no preservatives added. Dito kasi sa Metro, kulang na lang dagat ang ilagay sa ulam sa sobrang alat at mukha ng kung sinuman sa sobrang oily(pasintabi po āœŒ).

Feeling ko nga rin three years na akong hindi healthy. Haha. Why? Ang polluted kaya dito. Parang daig ko pa ang mamang naninigarilyo. Usok ng sasakyan dito, usok ng sigarilyo don. Hayyy.

Second, I MISS PEOPLE THERE. Every time nga na uuwi ako dun, ayoko nang bumalik pa dito. First my family. Kulang na kulang ang oras at araw na nakakasama ko sila. Saglit lang kasi babalik na rin ako agad. Parang nakitulog, nakiligo at nakikain lang ako. Rush sa pagchichikahan kasi parang palaging may time limit. Na any time soon biglang, “Oopppsss, times up. You should go back.”

Hindi na rin ako ganun ka-active sa youth ministry ko dahil nga umuuwi rin ako after Sunday service. As a result, I decided na bumaba na sa pagiging officer kasi hindi ko naman nagagampanan. Wala na rin time para kumausap at mangamusta ng mga dati at bagong kabataan sa church namin. Hayyy. Pero sabi ko talaga na someday, uuwi na talaga ako and will focus na ulit sa youth ministry. Yeah.

And the third and last, I SUPER MISS MYSELF. That’s all. Thank you. Jokeeee. Ewan ko, pero para kasing hindi na ako ‘to eh. Ang laki ng naging changes – positive and negative at the same time. Pero dun na lang ako magfo-focus sa positive effect. Ayokong naman panindigan yung negative effect na yun kung ano man yun. Haha. Basta, I super miss myself.

And that’s it. Syempre ayokong tapusin ito ng malungkot noh. Masaya ako dahil nakaya kong mamuhay mag-isa, malayo sa pamilya, nagawa kong magluto at mag-imbento ng kung anu-anong putahe para hindi kumain ng maalat na ulam sa karinderia, nakakilala ako ng mga taong nagbigay ng panibagong kulay sa bago kong mundo at marami akong natutunan sa mga taong iyon. Pramis, ang laki ng naging tulong nila para ako’y maging ganito, para mag-iba ang pananaw ko sa life. They add a very special spice to my bland life(not really and super bland).Ā  Sabbbeee.

Yes. I’m happy and sad for three years at the same time pero pinipili kong mas maging masaya dahil doon ako sasaya. Sabi rin kasi ni Fawn Weaver, “Keep choosing happiness daily and happiness will keep choosing you back.” O, diba? Happy dapat. So, HAPPY third year to me. Celebrate! *insert party poppers, confettie, wine and all*

“I will no longer allow the NEGATIVE things in my life to SPOIL all the GOOD things I have. I choose to be HAPPY.”

Masaya,
Lapis āœ

Advertisements

9 thoughts on “Three Things Why I’m Sad(Happy)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s