Paano Kakalma Sa Panahon Ng Bagyo?

“Everything happens for a reason.” Kahit na hindi mo maintindihan kung bakit ganoon yung dahilan, still pagtiwalaan mo na may magandang idudulot sayo ang mga pangyayari.

***
Nagulat ka na lang bigla dahil mayroon kang nabalitaan. Tila balak nilang sirain ang iyong pangalan. Pangalan mo na iyong pinakaiingatan. Nakakainis, right? Yung feeling na gusto mo na lang manuntok. Nakakainis. Nakakagigil. Nakakatawa. Haha. *sarcasm here*

Sa mga sandaling iyon, bigla na lang nagwala ang mga nasa loob mo. Tila may sunog, gyera, bagyo at tsunami na any time maaaring magburst.

“Control your anger. Because it is just one letter away from danger.”

Yeah. Kontrolin mo ang sarili mo. Walang maidudulot na maganda ang magreact agad sa kung anuman ang iyong nabalitaan. Kumalma sa kabila ng gyera.

But how?

Punta kang CR. Inhale, exhale. Hinga. But make sure na hindi mabaho sa CR na pupuntahan mo ha. Dapat fresh yung amoy dun.

Magbasa ng something inspirational. Yung may title na “How To Control Anger?”, “How To Relax?”, “How To Stay Calm and Motivated?” and “How To Punch Someone?” Haha. Joke lang yung panghuli.

Magbreakdance ka. Yung dapat kaharap yung mga taong yun sabay i-break mo din ang mga fes. Haha. Jokeeee. Erase. Erase.

Kumanta ka ng Listen. Para siguradong maririnig ka nila, dapat mataas yung key na gagamitin mo para matauhan silang makinig din naman sa sasabihin mo. Hihi.

Meditate.

Relax.

Pray.

Ilan lang iyan sa mga pwedeng makatulong sayo kung paano kumalma. Marami pa ang pwede mong gawin na hindi nabanggit. Ikaw na bahala. Ayoko nang mag-isip. Haha.

Lastly, anumang marinig mo from other people tungkol sayo, huwag kang papaapekto. Chin up and confidently walk around. Apply some fiercely red lipstick too(yung mala-Anne ang peg). Yung feeling na makakabog sila na hindi ka basta basta(like unkabogable Vice Ganda). Don’t ever make yourself coward in front of them. Patunayan mong nagkakamali sila ng iniisip at pinagsasasabi. Hindi nila alam ang totoo kaya huwag kang magpadala sa anumang mga sinasabi nila.

Kahit na gustung gusto mo nang sumabog dahil sa mga ganap(manuntok na din), I tell you, it will not help. Lalo lang lalaki ang apoy pag ginatungan mo pa. Apulahin na agad habang maaga.

Remember, may dahilan ang lahat ng bagay. Isipin mo na lang yung learnings sa ganap na iyon. I promise, may learning behind every happening. Yeah. Fighting.

Nananatiling nakatayo at matatag,
Lapis ✏

Advertisements

9 thoughts on “Paano Kakalma Sa Panahon Ng Bagyo?

  1. Ako din I have anger management issues. Kaya minsan namimisinterpret ako pero sabi nga ng dati kong boss, kapag galit ka, bilang ka ng 1 to 10 tapos lumayo ka sa nagpapagalit sa iyo hanggang sa maging okay ka.

    Liked by 1 person

  2. Alalahanin, nak. Ang katotohanan ay maisasawalat (shems I’m proud of myself) din sa tamang panahon. Tama, stay calm. As long as you know the truth. May kalalagyan din sila. Haha. Also, nakakapangit ang ganyang stress. Bawal pangit sa pamilya. 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply to makleinadventurer Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s