The Seventh Lovestruck Book: Shanaba? Edition by Pastor Ronald Molmisa

IMG_20180916_203801.jpg

Alam kong hindi para sa akin o hindi akma sa akin ang tanong sa title edition ng librong ito – SHANABA? Bakit? Dahil para sa akin(again, para sa akin lang po ha, hindi ko po nachika si Pastor Ronald regarding sa content), ang point of view ng title edition ng librong ito ay tatalakay sa mga in a relationship na o kaya naman ay yung may manliligaw o nililigawan.

Pero bakit ko nga ba ito binili eh hindi naman ako in a relationship? Kasi nga…….. I buy books for additional learnings and knowledges na magagamit ko sa future. At saka kapag usapang love nako naman, alam na this. 😁

***

Paano nga ba natin malalaman if SHANABA?

Paano? How? Wie? Quam? CΓ³mo?

Ganito, punta kang bookstore, hanapin ang new edition ng Lovestruck Book series, kunin at dalin sa cashier, maglabas ng P75.00, umuwi at basahin. That’s it. Haha. Jokesssss. (This is not a paid advertisement pala okay.) 😊 Nabili ko pala ang book na ‘to sa MIBF kanina so, discounted. #MIBF2018

Eniweys para sa mga in a relationship jan I know this book will really help and guide you to determine if SHANABA talaga. Pero hindi ko pala sure. Basahin niyo na lang. πŸ˜‰

Para naman sa mga naghihintay jan, okay naman na bumili din kayo nito. Wala naman mawawala. Wag maging bitter at wag iisiping pang in a relationship lang ito. I think reading this book will help you (us) for future purposes. Though wala pa si the one, okay lang yun. Sabi nga, hindi naman nakakabaog ang pagbabasa. Kaya naman, bili na.

Pero pero pero………. hindi ko rin naman sinasabi na after mong basahin ang librong ito ay makikita o matatagpuan mo na siya. No. Kahit naman ako hindi ko masasabing dadating na siya after kong tapusin ‘to eh. Tapos ko na ngang basahin yung 1st to sixth edition pero wala pa rin naman, hindi pa rin naman siya dumadating.

Pero kung dadating siya after reading this book, hmmm, edi hindi ko muna ito babasahin. Wahaha. Itatago ko na lang muna ito sa cabinet. Mga after *toot* years muna siguro ang palalagpasin ko bago ito basahin. Haha. Pero syempre sino ako para pangunahan ang nais ni Lord diba. Kung dadating siya even without reading this, so go. Who am I to make tanggi. Bwahahahaha. πŸ˜‚πŸ˜

Osha, anuman ang edition ng lovelife mo ngayon – SanNaSiya Edition, AngTagalNiya Edition, HintayPaMore Edition, ShaNaBa Edition, I believe dadating ka rin sa ShaNaNga Edition.

At dahil hindi ako magaling sa pagsulat ng closing statement, babay na lang.

Na-stock sa Singles Edition (2nd book),
Lapis

Advertisements

2 thoughts on “The Seventh Lovestruck Book: Shanaba? Edition by Pastor Ronald Molmisa

  1. Di ako nakapunta ng MIBF this year. Baka ma-temp na naman akong bumili ng samut-saring libro. Hahah.. May mga libro nga kong nabili last year na until now eh hindi ko pa tapos basahin..😊 Gusto ko yang mga edition ng Lovestruck. Marami kang matututunan dyan. πŸ™‚
    BTW, yung libro ba ni Francis Kong natapos mo na? Pahiram naman ako pag tapos ka na. ☺

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s