Secret Letter To Her

Today, I found myself updating my resignation letter and resume dahil gusto ko nang umalis.

But the question is, handa na ba talaga akong lumisan? Handa ko na bang iwan ang aking kompanyang unang pinasukan?

Nakakalungkot lang dahil lahat ng taong inabutan ko dito ay wala na. Nag-alisan na sila. At sa pagdating ng huling buwan ng taon, ang akin namang mga kasabay na pumasok ay aalis na rin.

Time na ba para ako naman? Ako na lang kasi ang maiiwan. Ayokong ayoko ang naiiwanan. Mas gusto kong ako ang umaalis.

*****

Ang dami nang nagbago.

Ang dating masayang paligid ay puno na ng tensyon.

Nakaka-suffocate na ang dating fresh air. Nakakatakot. Parang may nakatutok na sniper riffle gun sa likod ko. Gusto ko na lang magtago sa ilalim ng table ko. Pero kahit na magtago ako, makikita niya pa rin ako. Sniper elite kasi. So far hindi pa naman ako nababaril. Magaling kasi ako umilag. Haha.

Ayoko na talagang mag-stay sa lugar na tinatamnam ako ng buto ng kaplastikan. Hindi ako plastik. Tao ako. Hindi tayo pareho. Wag mo akong igaya sayo.

I’m not a fault-finder.

Hindi ko ugali ang maghanap ng mali ng iba. Hindi mo ako katulad. Wag mo akong turuan ng bagay na ayokong gawin/ginagawa.

Ayoko na sayo. Ang dating pagkagusto ko sayo ay tila naglaho na. Mas lalo kitang nakilala. At doon ko nakita ang mga baho at kapangitan mo. Ang baho at ang pangit mo. To the extent na ayokong pumasok dahil ayaw kitang makita at maamoy. Umaalingasaw hanggang sa kabilang building.

Syempre hindi mo yun alam dahil insensitive ka, dahil selfish ka, dahil ang tingin mo sa sarili mo ay isang dakila, feeling mo ang galing galing mo.

FYI, hindi ka magaling. Sa tingin ng iba siguro. Pero para sa amin, HINDI.

Mabait ka naman eh pero 1% lang.

Considerate ka naman eh kaso once a blue moon lang.

Pinipilit kong hindi ka tingnan in a negative way. Pero ang hirap.

Dahil jan, ayoko na. I’m quitting not because I can’t do my job well but because AYOKO NA SAYO.

Ayoko na sa mga pinapagawa mo dahil ayokong may naaapakang ibang tao. Ako na lang. Wag na sila.

At sa pag-alis ko alam kong may ikakalat kang balita na kesyo nahirapan ako sa trabaho ko kaya umalis ako. Bes, saan gawi? Haha.

Expected ko na yun kaya bahala na silang maniwala sayo. Dun ka naman magaling. Ang paniwalain sila na tama ka sa mga sinasabi mo, ang paniwalain sila sa gawa gawa mong kwento.

Hindi ka ba napapagod sa paulit ulit mong ginagawa? Lies dito, lies doon.

Maging transparent ka naman. Try to put yourself in other people’s shoes. Wag yung puro sarili mo. Hindi kami bato para hindi masaktan. Tao kami. TAO. Sana naiintindihan mo iyon.

Lastly, hangad ko ang iyong pagbabago. Sana. Sana.

*****

Ang rude ko dahil sinulat ko ito sa mismong araw ng iyong kaarawan. Haha.

Sa halip na kind words ang sabihin ko pero hindi. Sorry na. Hindi ko intensyon na saktan ang iyong damdamin. Sadyang ngayon ko lang talaga naisip isulat at ilabas ang aking saloobin.

Advertisements

5 thoughts on “Secret Letter To Her

  1. Haha. Last quarter ng 2018 nag update rin ako ng resume kasi nakakapagod yung isang tao sa officr at ayaw ko na rin sa kanya.
    Yes, not also because I cant do my job but because of some people. Saka ang dami na rin umalis sa office, nakakasad kasi ibang iba na yung place… Same pero di na familiar. Ganun.
    My gulay, nakakarelate ako dito. Hahaha
    Pero naisip ko kasi na it’s better to leave without any bad feelings and emotions. Magdecide ng kalmado na and matino na ang isip. Haha Gusto ko kasi if one day aalis na ako sa office (which is my first as well) , welcome ako and no burn bridges if magvisit ako. I love the organization kasi, nakakasad na magresign na parang wala ka ng lilinugin sa tagal kong nagwork doon. Hehe
    I’m praying you’ll have a better 2019 in terms of work and workplace.
    Haha. Haba comment, relate kasi. Goodluck for 2019 girl šŸ˜ŠšŸ‘šŸŽ‰

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s