I Have A Psychopath Friend

I don’t want her to address as my “enemy”. I still treat her as my friend (may halong kaplastikan, haha) – a psychopath friend. I thought, they exist ONLY in Kdrama, movies, telenovela and the like. But yeah, psychopaths are real. They exist in the outside world, here in our real world. And I’m the one who’s lucky to encounter people like them and it’s very scary. Super very scary. Fear is covering me every time I’m in our boarding house. Luckily, she’s not my roommate. But still, fear is approaching every time I open our main door.

Oha, napa-post ng new blog dahil kay psychopath friend. Kasi naman eh. Napasearch din tuloy ako bigla and I’m trying to understand them even more. Ako na lang mag-adjust.

Per Google, wala daw cure yon. Nakakalungkot, nakakatakot, nakakapraning. Wag naman sana, pero nagkakaroon ako ng thoughts na maybe mapatay niya yung mga taong nasa paligid niya. Eh kasama ako sa mga taong nasa paligid niya. Ahuhu. Sabi rin kasi ni Google. they have tendency to kill, they are capable. Waaahhhhh. Okay, kalma. But how can I calm down if a have that kind of friend? Haysss. (She’s not my friend talaga. At ayoko siyang maging friend. I just address her that way, hoping na magbago siya.)

Hi blogger friends ko over there. Hingi naman po ako ng advice kung anong pwede kong gawin. Also, prayers will do. I really need that, the covering of the holy spirit over me, the protection. I already considered finding another house, but then, ang hirap. Wala po akong mahanap somewhere. If you know boarding house or apartment po, please pm me na lang. Or pwede po paampon po muna until makahanap po ako ng malilipatan.

That would be all. Thanks po in advance.

Nalulungkot, natatakot, napapraning,
– Lapis ✏

14 thoughts on “I Have A Psychopath Friend

  1. Done praying. Pero ingat pa din ah, and gaya din ng sabi nila, huwag ka magpapakita ng takot sa kanya. Kase yung mga taong ganyan, they can smell fear. Ipakita mo sa kanya ang body language na “hindi mo ako kaya.” Gusto mo pag-usapan ‘yan with milk tea? 😊

    Like

  2. 1. Paying the other person no mind. Usually kasi ang mga ganiyan, they thrive on the attention of knowing that the person they stalk is unnerved and lets their guard down. Pag pinakita mong hindi ka natatakot, mahihimasmasan iyan (hopefully) kasi di mo na binibigyan ng atensiyon.

    2. Restraining order, kung hindi pa masindak iyan. Pero mahaba ang proseso – dapat may ebidensiya ka with solid facts.

    Like

    • Totoo po. Sabi nga po, they can use you against you. And grabe po siya maglie. Magaling gumawa ng kwento para maturn yung table against dun sa taong nasa paligid niya. Nagwork naman po yung dati na no care lang ako. Cool lang, kunwari hindi natatakot. But then recently nga po, ang naging act na niya is thru writing a threat na nilagay po niya sa common use appliance sa BH namin.

      Yun nga po, I’m keeping evidence with me just in case na ideny niya lahat. Since magaling po talaga siya magdeny. To the highest level. Na-master na po niya yata talaga ang pagiging psycho. Huhu.

      Thanks po sa advices.

      Liked by 1 person

  3. As in ganito, nak?

    psy·cho·path
    /ˈsīkəˌpaTH/
    noun
    a person suffering from chronic mental disorder with abnormal or violent social behavior.

    Talk to the landlady, first. Baka hindi siya aware sa mga ganap sa loob. Baka nagtataka na din siya kung bakit tenant come and tenant go ang nangyayari.

    May experience ka first hand, or kwento lang ng iba?

    Check mo yung dati kong dorm, same street tayo. Six years ako dun.

    Like

  4. Gaano kayo ka-close? Haha. May diagnosis ba si psycho friend or talagang nakaka-alarm yung mga actions niya? Seek professional help, like a doctor or counselor na pwede siyang i-assess and kausapin. Will pray for you!

    Like

    • Hindi po kami close. Here’s the story po. Nauna po kaming naging boarder bago siya. Then nag alisan na yung mga naubutan ko pong boarder sa kabilang kwarto. She came. Ka-close ko po yung dinatnan niyang roommate. Kami po ng roommate ko nandun pa rin. Then, una mabait siya. Habang nagtatagal ayun, lumalabas na totoong kulay. Tama po yung description ni Google. Then umalis po yung roommate niya dahil natakot. Ang dami pong kwento. Then may naging roommate ulit siya, umalis ulit. Until now, wala na ulit siyang roommate. Kaya feeling ko po, kaming nasa kabilang kwarto naman ang pinupuntirya.

      May sayad po talaga siya sa utak. Then recently nga po, nagkaroon ng threat. Very alarming. Natatakot na po ako. Sabi po kasi ni Google, para no effect at mas lalala daw sila kapag dinala sa professionals. Huhu. Super natatakot na po ako. Yung feeling po na mas safe pa sa kanto kesa dun sa boarding house namin.

      Hope you understand my chika. Hehe.

      Thanks po sa prayers.

      Like

      • Sa kwento mo pa lang, natakot na ako. Huhu. Pero nakaka-interact niyo ba siya? Baka alam niyo paano ma-contact family niya. Baka kelangan niya rin ng help, as in ma-admit sa psych facility or something. Tapos look for an apartment na malilipatan if you don’t feel safe anymore. Will be with you in prayer!!

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s