Paano Kakalma Sa Panahon Ng Bagyo?

“Everything happens for a reason.” Kahit na hindi mo maintindihan kung bakit ganoon yung dahilan, still pagtiwalaan mo na may magandang idudulot sayo ang mga pangyayari.

***
Nagulat ka na lang bigla dahil mayroon kang nabalitaan. Tila balak nilang sirain ang iyong pangalan. Pangalan mo na iyong pinakaiingatan. Nakakainis, right? Yung feeling na gusto mo na lang manuntok. Nakakainis. Nakakagigil. Nakakatawa. Haha. *sarcasm here*Read More »

#52 – Trustworthy?

Lord, bakit Ka po ganyan?
Bakit sobra sobra mo Akong pagtiwalaan?

Eh mukhang hindi ko po pala kaya.
May ibang paraan pa po ba?

Gusto ko po sanang umalis na dito.
Hayyy, Lord ano po bang dapat na gawin ko?

Puro hinaing at reklamo na ang nasa isip ko.
Lord please, tulungan Mo po ako.

~ 010818 / 7:00pm

#51 – New

Panibagong simula ang aking haharapin.
Panibagong daan ang aking tatahakin.
Itong panibagong yugto ng buhay na binigay Mo sa akin,
Ay aking lubos na tatanggapin dahil Ika’y may layunin
kung bakit nilagay ang isang tulad ko kaya ito’y pagyayamanin.

Hindi man maarok ng aking isip ang dahilan ng mga ito
Hindi ko rin naman ito susukuan dahil ako’y tutulungan Mo.
Sa bagong yugto na inilagak Mo sa buhay ko
Alam kong may dahilan Ka, hinahanda Mo na ang paglabas ng bagong ako.

~ 010818 / 3:41pm

What’s The Feeling of Being a Third Wheeler?

“Hindi malungkot, hindi rin masaya. Balanse lang. Ganon lang naman dapat, diba?”

I can say na since birth up to 26 years old ay third wheeler na yata ako(not yet 26 here, looking forward ang peg 😍). From my childhood friends na maagang naglablayp, high schoolmates na maagang nagdalaga at nagbinata kaya bumenta na(sorry for the term), no entry for college colleague(bisi-bisihan kasi) to now.Read More »

Slow Downed?

Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nag-slow down ako ngayon sa pagsulat.

Dahil ba naging busy ako? Dahil ba nahihirapan na akong magpost ng palihim ng new blog post ko kasi nalipat na ako sa mas lantad na pwesto? Dahil ba hindi na ako nakakapuslit ng oras para sa aking blog? Dahil ba marami nang nakamasid na mga mata? Dahil ba natatakot akong makita nila or mabasa nila ang mga sulat ko. Dahil ba baka ma-discover nilang may blog ako at sabihing ang weird ko or ewan ko sa kung anong term nila? Dahil ba sa hindi ko malamang dahilan?Read More »