#53 – Again

Lord, narito na naman ako
Dadaing na naman Sayo.
Ako po’y tulungan Niyo.
Ako’y nagsusumamo.

~ 011918 / 11:25am

Advertisements

#52 – Trustworthy?

Lord, bakit Ka po ganyan?
Bakit sobra sobra mo Akong pagtiwalaan?

Eh mukhang hindi ko po pala kaya.
May ibang paraan pa po ba?

Gusto ko po sanang umalis na dito.
Hayyy, Lord ano po bang dapat na gawin ko?

Puro hinaing at reklamo na ang nasa isip ko.
Lord please, tulungan Mo po ako.

~ 010818 / 7:00pm

#51 – New

Panibagong simula ang aking haharapin.
Panibagong daan ang aking tatahakin.
Itong panibagong yugto ng buhay na binigay Mo sa akin,
Ay aking lubos na tatanggapin dahil Ika’y may layunin
kung bakit nilagay ang isang tulad ko kaya ito’y pagyayamanin.

Hindi man maarok ng aking isip ang dahilan ng mga ito
Hindi ko rin naman ito susukuan dahil ako’y tutulungan Mo.
Sa bagong yugto na inilagak Mo sa buhay ko
Alam kong may dahilan Ka, hinahanda Mo na ang paglabas ng bagong ako.

~ 010818 / 3:41pm

#50 – Instead

Ang dami dami ko pong drama
Mga hinanaing, himutok at marami pa.
Hindi dapat ganito
Ako ay dapat na matuto na.

Sa halip na magreklamo, ako’y magtitiwala Sayo
Sa halip na dumaing, ako’y mas lalapit Sayo
Sa halip na umiyak, ako’y mas tatawag Sayo.
Tama, ganun ang dapat na gawin ko.

~ 010818 / 3:29pm

#47 – Sayo Lamang Makikinig

Tay, sa akin ay nagdududa sila.
Nagtatanong kung kaya ko nga ba talaga.
Sa kanilang mga sasabihin, ang sarili’y sinanay na.
Kaya ang mga iyon ay expected ko na.

Maaring masaktan ako sa mga sasabihin nila.
Na baka pati sarili ko ay pagdudahan ko na.
Ngunit Sayo lang makikinig kapag ako’y nauubusan na
Ng tiwala sa sarili na dulot ng mga sinasabi nila.

~ 111017 / 1:40pm

#46 – His Plans Are Always The Best

Sa mga susunod na araw, ako’y mas lalong aasa Sayo.
Iiwan? Pababayaan? Alam kong hindi Mo iyan gagawin sa isang tulad ko.
Sayo lamang ilalagak ang lahat ng bigat na bubuhatin ko.
Hindi ko ito kaya, kaya ito’y ipagkakatiwala ko Sayo.

Ngayon pa lang gusto ko nang umayaw at sumuko.
Gusto ko nang umatras, tumakbo papunta sa lugar na malayo.
Pero aking nakikita na ang pag-ibig Mo ay susundan ako.
Kaya ako’y magpapatuloy sa daang sa akin ay inihanda Mo.

Kahit na minsan hindi ko po maintindihan.
Ang mga plano Mong sa akin ay inilaan.
Naiisip ko tuloy, ako ba’y Iyong pinaparusahan?
Dahil madalas kitang hindi pinapansin at nakakalimutan.

Pero hindi pala. Ang lahat ng ito’y nakaplano na.
Bago pa man ako isilang ng aking pinakamamahal na ina.
Ang lahat ng ito’y may dahilan. Sa lahat ng ito’y may layunin Ka.
Kaya Sayo lang ako aasa at palaging pasasalamatan Ka.

~ 110817 / 8:18am