When Living in a Boarding House Became Boring (The Boring House)

The moment na nakabalik ako dito sa Manila, to be specific dito sa boarding house, I started to feel boredom. Sabi ko sa sarili ko baka homesick lang. Kasi naman, 5 months and a half akong nagstay sa probinsya eh.

But then, as the days passed by, ramdam na ramdam ko talaga yung boredom. Watching Kdramas, reading Webtoons/books/epubs no longer excite me, sometimes sigi. Haha. Tapos hindi pa makapagtravel kasi nga may virus pa, kaya ayan, bagot na bagot si Inday. Dagdag mo pa yung wala akong makausap or makachikahan na friends face-to-face. Hayyy, kakamental breakdown talaga. Yung feeling na makikinig ka lang sa mga chikas nila, solve ka na. Pero wala, hindi pa pwede. Tapos yung mga friendships ko from province ay next year na babalik here. Huhu. Aymsomag-isa. May dalawa pa palang nandito kaso… hmp, nevermind.

Dati kasi, super enjoy ako dito sa boarding kahit na ako lang mag-isa. Bilang na bilang ang uwi ko sa probinsya dati. Pero ngayon, gusto kong umuwi weekly pero ang mahal na umuwi ngayon, carpool eh. Carpool na ginawang business nung iba. Hayyysss. Bawal pa din kasi ang mga provincial buses dito sa Manila ih. Huhu. Sad.

That’s why I decided to buy a violin to beat the boredom. Matagal ko na rin kasing gustong matutunan si violin. Saka sale kasi si RJ Music Guitar Center eh. Actually, dapat keys (keyboard) kaso masyadong malaki. Hindi ko alam kung saan ko ilalagak dito sa boarding. Kaya sa maliit na instrument nauwi. At saka pa-advance birthday gift ko na rin ‘to sa sarili ko. Hihi.

Kahapon ako bumili kasi nga 12.12 kahapon. Haha. Every year pala may sale po si RJ bago pa man mauso yang 12.12, 11.11 na yan. Haha. Sa kanila ko rin nabili yung acoustic-electric guitar ko na nasa probinsya saka yung beatbox ni Ate.

After ko makabili, sumibat na rin ako agad agad. Masyado akong natakot sa mga SALE eh. Ay, sa COVID din pala. Haha. [Ang dami kong “Haha” no po? 😂]

Kung itatanong niyo po, yes, wala po akong idea kay violin. As in Grade 1 ang peg ko. Di ko rin alam kung saan ako magsisimula. Saka kaloka, kapaan pala ang style dito kay violin. Walang frets unlike sa gitara na alam mo kung saan mo ilalagay yung mga daliri mo, may pattern ba. Eniweys, anjan naman sila Google at Youtube, bahala na.

Super saya ko nung pauwi na ako habang nakasukbit ang violin inside the bag sa likod ko. Alam mo yung feeling na sinagot ka na ng nililigawan mo. Haha. Wait, babae pala ako. Baguhin natin. Alam mo yung feeling na nagconfess sayo yung kras mo na kras na rin daw niya. Pak, ganern. Ngiting ngiti talaga ako while walking. Buti na nga lang talaga may mask kung hindi baka napagkamalan na akong baliw ng kung sinumang makakasalubong ko. Imagine, from Glorietta to Chino Roces via Ayala Avenue ang nilakad ko at kilig na kilig talaga ako sa aking paglalakad with pasway sway pa ng kamay at criss-cross walk. Haha.

Sa nangyayari kasi ngayon, we really should find something na lilibang sa atin. So, good luck to me.

Goal ko, making this boring house into a comforting one. Super comforting kasi for me yung tunog ng violin. Ewan lang pag ako na yung natugtog. Haha. K, bye at manunuod pa ‘ko ng tutorial. 🤣

Paano Naging Malaya Ang Ibong Gusto Nang Makawala

“Ang saya ko.”

I am genuinely happy. Seriously. Ang sarap sa pakiramdam na nasabi mo yung mga gusto mong sabihin hindi para mainis, maawa, magalit, magtampo, magtaka yung taong dahilan ng lahat ng mga hanash mo kundi para sa ikabubuti na rin ninyo parehas. Nakakagulat lang kasi hindi ko rin in-expect na magagawa ko iyon. Sabi ko nga sa sarili ko, hindi naman ako lasing pero bakit nakaya kong sabihin iyon? Wahaha. I’m really a strong pencil. Bow. Sabbbeeee…Read More »

Slow Downed?

Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nag-slow down ako ngayon sa pagsulat.

Dahil ba naging busy ako? Dahil ba nahihirapan na akong magpost ng palihim ng new blog post ko kasi nalipat na ako sa mas lantad na pwesto? Dahil ba hindi na ako nakakapuslit ng oras para sa aking blog? Dahil ba marami nang nakamasid na mga mata? Dahil ba natatakot akong makita nila or mabasa nila ang mga sulat ko. Dahil ba baka ma-discover nilang may blog ako at sabihing ang weird ko or ewan ko sa kung anong term nila? Dahil ba sa hindi ko malamang dahilan?Read More »

2 Years Na Kami

Ang totoo niyan, ayoko na talagang icelebrate ‘tong anniversary greetings from WordPress. Kaso naisip ko, buti nga dito sa WP nakaka-experience ako ng anniversary eh. Tapos hindi ako magdidiwang at hindi aalalahanin ang mga ganap makalipas ang dalawang taon? 😁

So, hayaan niyo pong kwentuhan ko kayo ng kwentong walang istorya. 😂Read More »

Pagtanggap

Hindi ko inasahan na sobra akong maaapektuhan ng mga nangyari these past few weeks. Dahilan na rin para mawalan ako ng drive para magsulat muli.

Ang dami ko pa ring mga katanungan. Mga “BAKITs” na hindi ko pa rin mahanapan ng mga kasagutan. Mga “ANOs” na hindi ko talaga malaman kung ano nga ba talaga. Mga “PAANOs” na hindi ko pa rin alam kung paano nga ba akong magsisimula sa panibagong yugto ng aking pagpapatuloy sa buhay na pahiram Niya.Read More »

Loaded Mind

Hindi ko alam kung paano ko ‘tong sisimulan. Sobrang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Sa sobrang dami nila, hindi ko alam kung ano uunahin kong isipin. Feeling ko gustong sumabog ng utak ko. Para kasing hindi na niya makayang pagkasyahin ang mga bagay na nasa kanyang loob.

Actually, dapat maging masaya ako dahil may pintong magbubukas para sa akin. Pintong nakakasilaw tingnan dahil sa liwanag na kanyang pinapakita. Pero ewan ko, hindi ko maintindihan. Mas matimbang ang lungkot na aking nararamdaman. Lungkot nga lang ba ito o Sepanx na. Wala pa man pero na-fi-feel ko na agad ito.Read More »