What’s The Feeling of Being a Third Wheeler?

“Hindi malungkot, hindi rin masaya. Balanse lang. Ganon lang naman dapat, diba?”

I can say na since birth up to 26 years old ay third wheeler na yata ako(not yet 26 here, looking forward ang peg 😍). From my childhood friends na maagang naglablayp, high schoolmates na maagang nagdalaga at nagbinata kaya bumenta na(sorry for the term), no entry for college colleague(bisi-bisihan kasi) to now.

I have this very friend of mine na simula pa lang bata ay friend ko na. Pero hindi kami ganoon ka-close dati. Pero ngayon, parang super sisters na kami. Lovelife niya from HS ay nasubaybayan ko na. At since HS nga, naging third wheel na ako sa buhay pag ibig niya. Syempre may konting inggit pa dati kasi nga bakit siya may lablayp na ako wala pa. Mga ganyang thinking.

Pero biglang nag iba na ngayon. Dahil na rin siguro ako yung tinatakbuhan niya kapag may LQ sila ng bf niya ngayon(up to forever na), ay nakita ko kung gaano kasaya maging single. Not super happy, pero may perks at advantages pa rin.

Matagal ko na silang nakakasama sa mga lakad, minsan ako mag-aaya, minsan naman sila. At saksi ako sa kanilang buhay pag ibig at kita ko rin kung gaano kasaya ang mayroong lovelife.

Minsan pa nga ay madalas pala, sa harap ko sila mismo nag-aaway. Hindi naman bugbugan, pero yung tampuhan o hindi lang nagkaintindihan. Ako naman, mapapatalikod ng automatic because I know that’s the time that I need to step back. Pero pag harap ko, okay na sila. Kaya si ako ulit, mangingiti na lang ng automatic, again. But seriously, nakakatuwa sila. And at that moment din, automatic(again) na mapapa-imagine ako if ano naman yung magiging love life ko. Away bati din kaya kami, mga ganern. Haha. Yayyy, kinikilig ako. 😍😁😂

So here, ngayon ko lang naisip isulat ang bagay na ito at i-post dito. Kaso I can’t show their faces, kasi nga diba, may pagka-private ang blog kong ito. Wahaha. 😁😂

Ang maging third wheel? Masaya, kung sa masaya. *pause* Masaya talaga.

Kaya tuloy na-e-excite akong ma-meet ka na(kunwari follower kita at ito’y iyong nababasa 😍).

*****

I just want to share this super embarrassing and yet memorable day of my 20+ years of existence. To follow yung story ’bout that embarrassing moment. 😆😅😂😃😄

Processed with VSCO with f2 preset
“Mahal, hindi ko makita si LA.” 😔
“Anjan lang yun. Basta naka-red siya.” 😂

“Yung boyfriend na supportive at pipicturan ka while chasing your favorite PBA Team players. Weeeee….. Sana talaga yung soon-to-be(boyfriend)ko ay supportive rin sa aking bisyo. Tapos hindi ako pipigilan sa pagcheer(pagtili ng parang walang bukas). Tapos hindi mabwi-bwisit kahit na bugbog sarado na siya everytime na makaka-shoot ang Ginebra.”

Owww, wait. I’m being hopeless romantic na naman and believing na may ganoong klaseng guy(kung mayroon man, ipakilala niyo sakin, daliiii). Haha, ay wala nga palang ganoon.

Sa ngayon, susulitin ko muna ang pagiging third wheeler ko. Yeah. Ang saya kaya. Pramis, never akong na-OP sa kanilang dalawa. Kung iba siguro, mas pipiliin na umuwi na lang dahil hindi na maatim na makita ang dalawang love birds na ito.

Kaya lab na lab ko itong super friend kong ‘to eh. Feeling ko nga rin parehas niya kaming jowa. Tapos wala siyang MAS MAHAL.

Hindi naman sa ayaw kong magka-LL, pero kung ganito ang magiging kaibigan mo, ay nako. Sapat na, sobra pa. Saan ka pa, sakay na. Third wheel ako, diba(oha, waleyyy. 😁😁😂😂).

Osha, eto na talaga ang totoong caption nito. I’m so happy for my Mahal(our endearment) that he is her Mahal(their endearment too), haha. Pero mas masaya ako dahil ako ang nauna niyang MAHAL. Yeahhhhh.

Processed with VSCO with f2 preset
“Waaahh, andun siya.” 👆
“Sino? Si LA?” 😲
“Hindi, si Semerad. Yung crush ko sa TNT.” 😍

Yayyyy, ang haba na nito. Hopsss na nga.

Note: Ako yung naka-yellow. Yeah, I’m the floor. 💛 😁

Nangingiti ng automatic at kinilikig ng biglaan,
Lapis ✏

Advertisements

Isaw Kariton Kabuhayan Showcase Card

“This is more than enough.”

Yan lang nasabi ko after kong mabuksan ang laman ng envelope na dineliver sakin. Nagulat ako na may delivery. Actually(Ate), hindi talaga ako umaasa. Baka kasi kako charottt charottt lang. Suri po Ate Space ko. Hehe. Ayun pala, hindi pala drawing si Ate Space ko(oo, sakin lang siya, may angal ka 😂). Hindi pala siya tulad ng mga close friends ko pang nasabihan pero paasa, mga drawing, keynes.

So eto na nga. Nung bata ako, tuwang tuwa kong sinosort from shortest to tallest yung mga cards ni Mama. May mga friends kasi siyang walang mintis ang pagbibigay sa kanya non. Wala pa ako sa mundo may bigayan chuchu nang naganap. Lalo na yung friend niyang nasa Germany. Lahat ng okasyon mayroon si Mama. New Year, Valentine’s, birthday, Christmas, wedding, kapag naisipan saying hello or nangangamusta. Basta, except All Saints’. Aba naman. Yearly ‘yun. Pero hindi na ngayon, nahinto yata after magka-pamilya na sila pare-parehas. Well, no question. Syempre may dapat nang i-priority.

Pero ayun nga, that’s the ideal friendship for me kasi na hindi ako nagkaroon noong ako’y nag-aaral. Nakasulat dito yung himutok ko patungkol sa friendship chuchu na yan. Haha.

Hindi na rin ako umasa na magkakaroon or makakaranas pa ako ng ganoong klaseng pagkakaibigan. Kasi naman, anong petsa na ba? Wala na ako sa school.

Pero nagkakamali pala ako ng thinking. Akala ko kasi sa school lang makakatagpo ng mga totoong kaibigan. Akala ko kasi magiging ganoon ang friendship history ko sa Mama ko. Pero hindi pala. Because God has His own way pala to give me friends. Friends na hindi ko inakalang makapagbibigay sakin ng kakaibang feeling. Daig pa ng feeling ko kapag nakikita ko si crush. Achuchu. 😍😍😍

Oh diba, ang haba ng intro ko. Sorna po, hindi po ako magaling sa pagpapa-ikli ng introduction eh. Haha.

Sa mga magsasabi o nagsasabing outdated o old-fashion na ang pagbibigay ng cards, nagkakamali po kayo. Kasi may mga taong mas gusto ‘yung ganito – tulad ko. Kahit pagdating sa love mas gusto ko physical letter ang ma-receive ko, not text message, chat, or email.

“Pero may possibility na ma-misplace, ma-out-of-place, malunod, masunog, maitapon kapag ganyang papel ang binigay.”

Sa iba, oo pwede. Pero sakin, it’s a BIG NO NO. Ako po ‘yung taong hindi mapagtapon kahit isang maliit lang na bagay iyan(feelings ko nga for him hindi ko pa maitapon eh, haha). Actually nga niyan I have collection of Christmas, birthday and graduation gifts tags until now. Ang saya kaya. Try mo.

Kaya eto, ibang kilig ang dinulot sa akin ng ma-receive itong card na ito. Pinag-effortan talaga. Daig pa ako nito, nakalipad na siya ako hindi pa.

Tama yung intro ni Ate Space na nanalo daw ako ng Isaw Kariton Kabuhayan Showcase. Ang dami kong tawa pero saan ka, feeling ko nga nanalo ako sa lotto worth 50 billion. Oha. Bongga. Ganerng feeling. No joke. 😂

Every word na nabasa ko puro ngiti at kilig ang dinulot sakin. Front page design na hindi wrong spelling ‘yung nickname ko(ang dami kasing nagkakamali, friend naman sana ako sa facebook, inaalis nila ‘yung “H”, eh ayoko nga eh, ayoko nga siyang alisin eh, bakit ba? Kainis po sila. Haha), first page na may Bible verse(okay lang Te, ang ganda naman po ng pagkakasulat mo eh, ang ganda po ng penmanship niyo, pramis), second page na pinaglalagyan ng kabuhayan showcase ko(winner talaga ‘yun Te, tuwang tuwa ako every time na hihilahin ko, ginawa ko na ngang laruan eh, ang saya kasi), back cover(ay wala palang nakasulat 😂😂😂), post card na feeling ko isang pikit na lang nandoon na ako at ang envelope na may verse din at sa other side ay may complete name ni Ate Space(akala ko po joke lang ‘yung surname mo Ate, totoo pala talaga). 😊

So kahit na ‘Magcalayo’ kami feel na feel ko po siya nung dumating itong card na ‘to. At kahit na malaki ang ‘Space'(agwat) namin sa isa’t isa, feel na feel kong nandito siya. Ayyyyiiiieeee. 😍 Alam niyo po ‘yun? Hindi ko pa siya na-mi-meet personally pero feel ko magkakilala/magfriends na kami dati pa.

Yayyyy, naiiyak na ako. Keshenemen eh. First time ko kasing makatanggap nito. Tapos from other country pa. Bes, from Singapore eh, bongga. Mga friends(not so close, basta friend) ko nga dito sa Philippines kahit text waley. Haha.

Ayun na nga. I’m so thankful talaga na naisipan kong mag-create ng WP account. Kung hindi edi wala akong nakilalang mga true friends(another blog article to be posted soon).

Actually, madami pa akong gustong sabihin, pero hindi ko na alam kung anong mga words pa ang aking gagamitin sa saya at kilig kong nararamdaman ngayon. Mental block ba. Words are not enough to express what I want to express, ganern. Ganun naman po talaga diba? Basta, mahirap pong i-explain.

Sorry wala pong picture because this one’s very personal to me, confidential, ganern. 😊

I’m sending hugs, kisses and love to you Ate Space ko fresh from the Philippines. 😍😊😉😘

 

 

 

 

 

 

 

Friends For Keeps

Nalulungkot ako. May mga tao na naman na aalis sa buhay ko. Not totally sa buhay ko kasi pwede pa rin naman silang ma-contact through text or social medias. Pero ewan, feeling ko kasi sa pag-alis nila may part ko na tila ay sumasama sa kanila. Kaya I end up feeling lost. Para bang ako ung nawalan.

Bigla ko tuloy binalikan ung mga memories. At nanghinayang ako sa mga pagkakataong hindi ako sumama sa kanila sa mga gala dahil sa ayaw ko lang. Wala ako sa mood.

Nagsisisi ako ngayon dahil hindi ko binigyan ng chance ang sarili ko na mas makilala pa sila, na mas makasama sila.

Pero ngayong aalis na sila, wala na. Maliit na ung chance na magkaroon pa kami ng mga lakad dahil nga iba iba na ang mga free days namin.

Well ganun talaga. People come and go. They really come then go.