P#11 – Sino Sa Kanila? (Sad Version)

Processed with VSCO with m3 preset

Sino ang mas pinagpala?
Siya na may pera pero walang pamilya?
O ikaw na may pamilya pero wala namang pera?

Sino ang mas pinagkaitan?
Siya na walang makain?
O ikaw na hindi gusto ang nakahain?

Sino ang mas malungkot?
Siya na walang higaang matulugan?
O ikaw na hindi makatulog sa iyong higaan?

Sino ang mas tinraydor?
Siya na siniraan ng talikuran?
O ikaw na pinlastik ng harapan?

Sino ang mas nasaktan?
Siya na iniwan ng taong kanyang pinaglaban?
O ikaw na binuhusan ng alcohol ang sugatang katawan?

Sino ang mas umiyak?
Siya na nasunugan ng bahay?
O ikaw na namatayan ng mahal sa buhay?

Sino ang mas mahina?
Siya na nakaratay sa bahay gamutan?
O ikaw na hindi kayang ipaglaban ang inyong pagmamahalan?

Sino ang mas nahirapan?
Siya na mag-isang kumayod para sa pamilya?
O ikaw na nagtago sa iyong asawa dahil may kalaguyo ka?

Sino ba?
Sino nga ba sa kanila?

~ 011818 / 8:24pm

Advertisements

P#10 – Nawawalang Letra

Kasabay ng pagdating mo sa buhay ko,
ang paglagay ko ng unang letra ng pangalan mo sa nickname ko.
Gandang ganda ako sa tuwing tititigan ko ang nickname ko.
Ang ganda talaga sa paningin, salamat sa unang letra ng pangalan mo.

Ngunit ang pagdating mo’y pansamantala lang pala.
Pero ang unang letra ng pangalan mo ay hindi ko binura.
Ang pagdating mo’y tila isang bagyong mapangwasak.
Kaya ang puso ko’y na-wash out, ayun wasak na wasak.

Walang natira sakin, pati ako, sa sarili’y tila nawala rin.
Ang lahat ng sakit ay hindi ko nagawang limutin.
Ang mga nagyayari sa paligid ay hindi ko na din napapansin.
Tumawa, ngumiti ay hindi magawa kahit na aking pilitin.

Ilan taon na ang lumipas pero hanggang ngayon ikaw pa rin talaga
Sa bawat araw at gabi, ikaw at ikaw ang palaging gustong makita.
Pangalawang pagkakataon, sa ati’y wala na bang pag-asa?
Ang totoo kasi ay namimiss na talaga kita.

Tingnan mo, ang unang letra mo ay nandito pa hanggang ngayon.
Hindi ko magawang alisin kahit na nagdaan na ang mga panahon.
Ayaw mo ba akong maging parte ng iyong ngayon?
Mananatili na lang ba talaga ako sa iyong kahapon?

Kailan ba ako magigising sa katotohanan?
Kailan ba tatanggapin na wala ka sa aking kinabukasan?
Kailan ba titigil sa pangangarap ng walang hanggan(forever)?
Kailan ka tuluyang aalisin sa aking magulong isipan?

Sa tuwing isusulat nga nila ang aking pangalan
Wala palagi ang unang letra ng iyong pangalan.
Bakit ganun sila? Sa FB sila’y friend ko naman.
Pramis, ang mawala iyon ay hindi ko hahayaan.

Ang makitang magkatabi ang una at pangalawang letra
Ay nagbibigay sakin ng kakaibang saya.
Dahil doon ay katabi kita
Iyon sa akin ay sapat na.

Pero parang ako na lang talaga
Ang nagpupumulit na iyon ay manatili pa.
Ayaw pumayag na iyon ay alisin na.
Mali, ako lang pala talaga at wala nang iba.

Ngayon, ako ba’y tuluyang masasanay na,
Na hindi makita ang iyong unang letra?
Sa gagamiting account(office) ito’y inalis nila.
Sapat ba ito para aking tanggapin na,
Na hindi talaga sila(una at pangalawang letra) para sa isa’t isa?
Ito ba’y makakatulong para ako’y maka-move on na?
Ako’y hindi mo na yata talaga babalikan pa.

Hay, saan ka ba napunta, NAWAWALANG LETRA?

~ 011818 / 5:09pm

P#9 – Kailan???

Ayan, nagtatago ka na naman.
Sa ngiti mong napakasaya pero ang puso mo’y iba ang laman.

Bigla ka ngang ngingiti
Pero bigla rin itong mapapawi.

Kailan mo iwawaksi sa iyong isipan
na hindi na talaga magagawan ng paraan?

Kailan mo tatanggapin na iyan ay hindi na para sayo?
Na iyan ay nakalaan na sa ibang tao.

Hindi ka ba nagsasawa sa paulit ulit mong paghiling?
Na sana hindi ka na umalis dahil gusto pa siyang makapiling.

Hindi ka ba napapagod sa pagiging malungkot?
Lilipas din iyan kaya huwag ka nang bumusangot.

~ 011118 / 9:58am

P#8 – Biglang Umulan. Tapos Umaraw.

Biglang umulan.
Tila ako’y dinadamayan
Ng buong sangkalangitan
Sa aking pinagdaraanan.

Ngunit iyon ay saglit lang.
Ibig bang sabihi’y wag na akong umiyak pa?
Dahil ang araw ay muling sisikat na?
At ayan na nga, sumikat na siya.

Ibig bang sabihi’y ako’y sasaya na?
Pagdating ng panibagong umaga?
Ang bukas ba ay may maganda nang dala?

Sana mayroon na talaga.
Sana hindi ako pinapaasa.
Dahil ako’y pagod na.
Dahil ako’y suko na.
Dahil ako’y sawa na.
Dahil gusto ko nang sumaya.
Iyon lang, wala ng iba.

~ 011018 / 3:18pm

P#7 – Lament Psalms

Gusto kong tumakbo
Malayo sa lugar na ‘to.
Gusto kong lumisan
Para humanap ng katahimikan.

Ako’y pagod na,
Gusto ko munang magpahinga.
Gusto kong sandaling sumaya
Kahit na pansamantala.

Kandila, iyan ang puso ko ngayon.
Natutunaw, nauubos, kailan ang ‘restorasyon’?
Mata ko’y mistulang ilog.
Sila’y hindi na hugis bilog.

Tila ako’y pinagkaitan
Ng kahit na konting kasiyahan.
Sa mga sandaling ito’y
Bakit puro na lang kalungkutan?

~ 011018 / 2:48pm

P#6 – Katanungan???

Bakit ang kumplikado na masyado?
Makakabalik pa kaya ako sa dating ako?
Bakit humihirap na lalo ang sitwasyon?
Maibabalik pa kaya ang kahapon?

Paano kaya kung hindi ako tumugon?
Ano na kaya ako ngayon?
Paano kaya kung hindi ko tinanggap?
Hindi na kaya ako magpapanggap?

Bakit ang dami kong katanungan?
Bakit ang dami kong palaisipan?
Bakit ang dami kong reklamo?
Bakit ang drama ko masyado?

~ 010818 / 9:24pm

P#4 – Huwag Makinig

Ang nararamdaman ay idadaan na lang sa tula
Ang mga pag-iyak ay gagamitan na lang ng salita
Itatago ang mga lungkot sa likod ng mga tala
Idaan na lang sa ngiti upang sila’y hindi makahalata.

Sa lahat ng panghuhusga, ang sarili’y sanayin mo
Ano pa bang aasahan mo dito sa ating mundo
Hindi, hindi pala sa mundo kundi sa mga tao
Mga taong walang ginawa kundi ang suriin ang kakayahan mo.

~ 112917 / 8:31am