Finding…??? What? Who?

PhotoGrid_1508155706276

Bakit nga kaya? Napapatanong ako ng bakit? Bakit kung kailang hinahanap, hindi natin makita. Halos pumuti na ang balahibo ng uwak pero waley pa din.

Tapos kapag naman nakatunganga ka lang saka biglang lumalabas. Napapa-isip tuloy ako kung may buhay ba ung bagay o lugar na hinahanap ko. Lumilipad, tumatakbo o naglalakad ba sila palayo sakin at tila ako’y pinaglalaruan? Kung ganoon, aba mahilig palang magtagu-taguan eh. Baka hindi pa nito napapanuod ung Kita Kita. Okay waley.

BAGAY
Madalas akong maghanap ng mga bagay na na-misplace, na out-of-place ko o kung ano pa man ang tawag. ‘Yun bang kanina lang hawak ko, pero maya maya hindi ko na alam kung saan ko nilagay. Hindi ko alam, pero ako ba ang may pagkukulang dahil hindi ko sila binibigyan ng pansin o sadyang papansin sila at tila gustung gusto akong pinapahirapan sa paghahanap?

Last week, ay last month pa pala, naghahanap ako kung saan ako makakabili ng Korean Noodles named Samyang. Ang dami ko nang pinagtanungan na kakilala ko na na-try na ‘yun. May sinabi rin silang mga tao na nagbebenta nun. Edi piniem ko naman ‘yung mga taong ‘yun. Nagset na din ako ng date kung kailan ko siya ime-message ulit para umorder kasi nga daw mabilis maubos. Then yesterday, sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla ko na lang nakita si Samyang. Ang saya. Ang saya saya talaga ko kahapon. 😂😂😂😁😁😁😍😍😍

LUGAR
Kapag hindi mahanap, tanungin si Mareng Google. Pero kahit na nagbigay na ng information si Google, tila pa-hard-to-see pa rin itong si lugar na ‘to.

Tulad na lang nung may hinahanap akong lugar, hindi ko matagpuan. Kaya ayun, umuwi na lang ako.

Then sa paglalakad ko isang araw, bigla ko siyang nakita. Edi tuwang tuwa naman si ako. Napa-tweet tuloy ako bigla. Haha. 😂😁

Screenshot_2017-10-16-20-22-40-1

TAO
Ah, pagdating dito ibang usapan na. Sabi nga, mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap. Maaaring pinagtataguan ka niya talaga dahil ayaw ka niyang makita, may kasalanan siya sayo o baka talagang ayaw niya lang talaga sayo.

When it comes to finding Mr./Ms. Right One naman, pwedeng hanapin mo, pwede rin naman hintayin mong kusa siyang dalhin sayo. Kasi kung kayo talaga ang tinadhana, walang makakahadlang sa inyong pagkikita. Hindi mo man siya makita ngayon, TIME will come(so baka si Time ung The One mo. Okay, charottt lang.) sa tamang panahon, tamang pagkakataon at tamang lugar magkikita at magkikita kayo/mahahanap at mahahanap mo siya.

May dalawa akong dahilan kung bakit hindi natin makita ‘yung bagay, lugar o tao na hinahanap natin.

1. Hindi para sayo. So start finding someone. Huwag magsayang ng oras at panahon sa hindi naman para sayo.

2. May mas nakalaan para sayo. Remember this 3MB: Much Bigger. Much Better. Much Beautiful.

At kapag nakita mo na ang iyong hinahanap, congrats sayo Bes. Napagtagumpayan mo ang mga struggles sa paghahanap ng mga bagay, lugar o tao na mahirap hanapin. Nakakapagod pero ang mahalaga, NAHANAP mo. ✏

Advertisements

WAITING

Instagram: @seen.through.pictures

NAGHINTAY
Nakakapagod ang maghintay sa totoo lang. Lalo na kung wala namang dumating.

Naranasan ko ‘to minsan(ay madalas pala). May friend kasi akong nagpasama na maghanap ng boarding house somewhere in Makati. Hinintay ko siya. Naghintay ako. Tinext ko siya if tuloy pa kami. Pero walang reply. Naghintay pa ako ng mga sandali. Ubos ko na rin ang kinakain kong fries sa Mcdo. Tinext ko ulit siya para sana makauwi na ako. Pero walang reply. Lumipas ang dalawang oras at higit pa, walang dumating pero may nagreply. Sabi niya, pasensya na daw. Sorry daw sa abala. Sorry daw talaga.

Apology accepted but I need an explanation. Syempre hindi ko yun sinabi. Deserve ko naman ang explanation diba? Okay lang sakin ang maghintay pero sana may dahilan kung bakit walang dumating. Mahirap kasing manghula kung bakit, kung ano ang naging dahilan. Pero wala. NAGHINTAY ako sa wala.

Pero kahit na walang dumating, ang mahalaga nagawa mo ung parte mo, naghintay ka kahit walang dumating. NAGHINTAY ka dahil iyon ay iyong ginusto at piniling gawin.

NAGHINTAY ULIT
At sa paglipas ng mga panahon, hindi mo na napansin na naghintay ka pala ulit. Kahit na wala kang maramdamang signal na may dadating talaga, naghintay ka ulit. Baka sakali na sa paglipas ng mga segundo, minuto, araw at umabot na ng taon, still, naghintay ka ulit. Hindi naman sa pagiging makulit, pero pinanghawakan mo na lang na BAKA may dumating na sa inulit mong paghihintay.

NAGHINTAY PA RIN
Pero kahit na alam mong nakakapagod na, alam mong napapagod ka na, naghintay ka pa rin. Na-discover mo din ang bago mong talent – ANG MAGHINTAY. Sa tinagal tagal ba naman ng iyong ginawang paghihintay, eh naging bihasa ka na sa parteng ito ng iyong buhay. Naghintay ka pa rin kahit na alam mo sa sarili mo na nauubusan ka na ng pag-asa. Pero wala eh, para sayo kasi may pag-asa sa iyong paghihintay. Pag-asang nagbibigay sayo ng lakas para maghintay pa rin ng paulit ulit.

MAGHIHINTAY NA LANG ULIT
At sa huling pagkakataon, napagod ka na. Nagtaka ka kung bakit ang tagal. Na-delay ba, na-traffic, naligaw?

Pero hindi ka sumuko, huminto ka lang ng ilang saglit. You are determined na mayroon talagang dadating, na hindi mababalewala ang iyong ginawang paghihintay ng mahabang panahon. Kung hindi kasi ngayon, sabi nga ni Big Brother, SA TAMANG PANAHON.

Nagpahinga ka lang pero hindi ka sumuko. Hindi ka pa rin nawalan ng pag-asa. MAGHIHINTAY KA NA LANG ULIT. Dahil ang paghihintay ang nagbibigay sayo ng pag-asa sa bawat araw na gumigising ka. Paghihintay na dadalhin ka sa iyong mga pangarap, ninanais, dinadalangin, hinihiling.

Remember: “You’re not just waiting in vain. There is a purpose behind every delay.” Sinabi iyan ni Mandy Hale. Yeah, close kami.

Sabi din ng isa kong kakilala:

“Mabilis lang naman ang panahon. Kung dati naghihintay ka pa din at hanggang ngayon naghihintay ka pa din at sa darating na taon naghihintay ka pa din, wala pa din nagbago, bumilis lang ung panahon naghihintay ka pa din.” – Ate Sarah Faith

True. Wala ngang nagbago. Still you’re waiting. Nakakapagod ang maghintay pero may nabasa ako somewhere here in blogosphere na mas nakakapagod ang naghihintay ng walang ginagawa. Tama naman eh. Maghihintay ka na nga lang sabayan mo na. Pwedeng magbasa, magsulat, manuod ng Kdrama at kung anu ano pa. Pwede ding magtravel o kaya umakyat ng bundok habang hinihintay siya. Malay mo sa mga travel places/bundok mo pala siya makikilala.

Maraming pwedeng gawin habang naghihintay. Wag kang magsayang ng oras at panahon sa kakahintay mo. Huwag maging tulad ni Juan na piniling mahiga lang at hintaying mahulog ang bunga ng bayabas sa kanyang bibig.

Mabilis lang naman talaga ang panahon. Hindi mo namamalayan na dumating na pala ang iyong hinihintay. Magpaka-busy kasabay ng iyong PAGHIHINTAY. ✏

Alone For Now

PhotoGrid_1492174164295-1

Hanggang kailan ako mag-iisa?
Hanggang kailan walang makakasama?
Hanggang kailan aasa na darating ka?

Sabi mo, “Wag mong sanayin na mag-isa ka.”
Pero paanong wag kong sasanayin kung sanay na akong mag-isa?
Pag ba sinabi kong, “Sige, hindi na ako mag-iisa,
Pero sasamahan mo ba ako kapag wala akong makasama?”

Alam mo, nakakainis ka.
Sa iyong mga sinabi ako ay umasa.
Akala ko ika’y akin nang makakasama.
Pero hindi, bakit mo ba kasi ako pinaasa?

O baka naman talagang nagbigay lang ako ng ibig sabihin.
Nang iyong bigkasin ang mga katagang iyon sa akin.
Wala ka nga palang sinabing ako’y iyong sasamahan.
Kaya heto ako ngayon, mukhang mag-iisa ng pangmatagalan. ✏

– Left Pencil

 

Jesus Only

“Si JESUS lang ang dapat papurihan, kapag tumapat na ang ilaw sa’yong harapan.”

Being a worshipper is a commitment. Hindi yan parang bling bling na nakasabit sayo para maging astig ang hitsura mo.

Hindi naman talaga maikakaila na kapag tumapat na ang ilaw sa iyo, ang sarap sa feeling. Sayo nakatingin ang lahat. Tinitingnan ang gagawin mo. Feeling mo tuloy ang galing galing mo na, kasi sinasabayan ka pa nila. Feeling artista ka naman.

Pero iyong tatandaan na may nagmamasid at nakatingin din sa iyo. Hindi lang basta sa physical mong ginagawa kundi kung ano ang laman ng iyong puso habang ikaw nasa entablado at nagpupuri sa Kanya.

Pero totoo ba talaga ang pinapakita nating pagpupuri? Sino ba talaga ang napapapurihan natin kapag tayo’y tumayo na sa harapan? Is it Him or us?

Pleasure of lights are for actors & actresses only. Ginagamit lang ang ilaw sa entablado para makita sa ating mga worshippers ang kabutihan Niya. Ang kaliwanagan na nagmumula sa Kanya. He is our light. And He uses us para maliwanagan ang mundong nababalot ng sari-saring kadiliman.

Let us be the light of this world. Siyasatin kung sino ba talaga ang ating nago-glorify kapag tumapat na ang ilaw sa atin harapan. ✏

#ShoulBeJesus

©

First Things First

photogrid_1473090098688.jpg

“Ang bata bata mo pa iniisip mo na ung lab lab na yan. Mag-aral ka kaya muna.”

Everything has its own time. Hindi mo kailangan magmadali pagdating sa love. Sabi nga ang lahat ng nagmamadali, maaaring madidisgrasya or may mangyayaring hindi maganda.While you’re on waiting time, gawin mo muna ung mga bagay na dapat unahin at pagtuunan ng pansin.

  1. God first. It is written in Matthew 6:33, “But seek ye first the kingdom of God & His righteousness. And ALL these things shall be added unto you.” Bago ang lahat si Lord muna. That’s the point of this verse. Wag si ‘the one’ agad ung sini-seek. I tell you, may taong nilaan si Lord para sayo. Wag magmadali. Maghintay kahit na feeling mo forever kang maghihintay(wala kayang forever dito sa outside world😊). Kahit na malapit nang mawala sa kalendaryo ang age mo, still wait ka pa din. Kahit na lahat na ng barkada mo lumakad na sa altar,  wait ka pa din. Wag kang mapapagod maghintay. Isipin mo na lang nasa North Pole siya tapos ikaw nasa South. Magkabilang mundo ang peg. While waiting, serve Him with all your heart, soul, mind, strength & even in your weakness. Sa Kanya ka muna mas mainlove atmakipag-commitment. Sa lahat ng iyong gagawin, iisipin at sasabihin, sanayin ang sarili mo na Siya ang una mong sasabihan. Ask Him for His guidance. Remember,  all your efforts will never be in vain.
  2. Study well. Para sakin, WELL lang at hindi HARD. Minsan kasi kapag hard, karamihan nababaliw. Kapag hindi nakapasa sa board exam, nagpapakamatay. Lalo na kapag mataas ang expectation ng parents & relatives. A piece of advice lang, seryosohin si pag-aaral at wag muna si lablayp. Mag-aral sa mga oras na dapat ay nag-aaral. Wag sayangin ang oppotunity na ikaw ay nasa paaralan. Tandaan mo, you’re really blessed compare sa mga batang hindi nabigyan ng pagkakataon para makapag-aral. Kadalasang reason, financial problem. Another thing, that’s one of the great foundation of a successful person. Ito ang iyong magiging sandata pag ika’y sasabak na mundo ng mga propesyonal na mga tao. Mag-aral mabuti. Huwag mong hayaang dumating ung time na pagsisihan mo na hindi mo sineryoso ang pag-aaral mo. Tandaan: Laging nasa huli ang pagsisisi.
  3. Do the will. What do you think you’re here on earth? Para ba magpa-kyut kay crush everytime na makakasalubong mo siya? Kadalasan kasi hindi natin alam or hindi tayo aware kung bakit ba tayo nandito. As a Christian, dapat alam natin ung purpose natin, which is to do what God wants us to do. Hindi mo namamalayan habang nag-se-serve ka, inilalapit ka na pala ni Lord kay ‘the one’. Kaya wag nang magsayang ng oras. You should MOVE to do His will & not to do your ninja moves to your crush.
  4. Be the one. Inip na inip ka nang magkalablayp eh baka mamaya hindi ka pa marunong magsaing ng hindi sa rice cooker, hindi kayang mamalantsa at magtupi ng damit,  at kung anu ano pang gawaing bahay. Ready ka na bang magbitbit ng bag ni gf, magbayad ng foods kapag may date kayo, intindihin siya kapay may dalaw at marami pang iba? O ano? Gulat ka noh? Pero yun ang katotohanan. Kaya habang wala pa siya, habang hindi pa siya binibigay sayo ni Lord, magpractice ka na on how to be the one for him/her. Iready mo ang iyong sarili para kapag nanjan ka, HANDA KA.

Ilan lang iyan sa mga dapat gawin nating mga singles at waiting. Wag kang mag-alala o matakot na baka tumanda kang binata/dalaga. May plano si Lord sayo. Wait patiently for His go signal bago pumasok sa hindi birong relationship. If you’re destined to be single forever(😊), well kahit ako walang magagawa if yun ang nais Niya. Let’s pray na lang na hindi mangyari ang bagay na iyon. Remember,  prayer really works. 😊 ✏

#WhileI’mWaiting

©

The Church Guy

“Hindi lahat ng gwapo humaharap sa camera at nag-aartista, ung iba nasa likod ng pulpito at nangangaral ng mabuting balita.” – Kuya Pastor Frederick

Tayong mga girls, hindi maikakaila na mahilig tayo sa mga tall, white & handsome guys. In short, we sometimes/always fantasize having a boyfriend like Enrique Gil, James Reid & Daniel Padilla.

Minsan pa nga nakikipagsiksikan tayo sa mga mall shows & tours nila para makita natin sila in person. Pina-follow din sa kanilang mga social media sites para updated kung ano na ang mga nangyayari sa kani-kanilang mga buhay.

Ang tanong? Are we truly satisfied watching them on tv & mall shows, hearing their recorded love songs & having a meet & greet to them on personal?

Girl, hindi naman masama ang mag-daydream. Pero hindi naman din maganda ang manatili kang mangarap sa hindi naman talaga mangyayari. May Liza na si Enrique, ganoon din si James at si Daniel. Aba, kahit mag-artista ka pa, malabo nang mangyayari ung nasa fantasy world mo.

Punta ka dun sa church, mas gwapo pa kila Enrique ang makikita mo. Hindi lang gwapo, may P.O.G.I din(may Presence Of God Inside).

Kaya girls, pangarapin natin ang mga tunay na anak ni Lord. Hindi lang basta gwapo kundi nag-se-serve din sa Kanya.

Let God open your eyes for you to see that church guy who is destined for you. ✏

©