Questions in Answers

 

“Minsan ikaw lang ang naghihintay kahit alam mo namang walang dadating.” – Jolly

Tanong: What if biglang may dumating? Will you entertain him/her? O you will continue to wait and wait and wait sa taong na hindi mo alam if dadating bang talaga?

 

***
“Minsan kung sino pa ang hindi mo hinihintay, siya pa ang dumadating.”

Tanong: What if biglang dumating ung taong iyong hinihintay? Ano ang gagawin mo? Will you let go the person na dumating sa buhay mo para doon sa taong matagal mo nang hinihintay, o you will not entertain the one you’re waiting dahil mayroon ka na? Dahil kuntento ka na sa kanya. Dahil masaya ka sa kung anong mayroon kayo? What will you do?

 

***
“Wala namang hindi nasasaktan.”

Tanong: Sino ang pipiliin mong masaktan? Siya na iyong bibitawan o siya na iyong tatanggihan?

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

#51 – New

Panibagong simula ang aking haharapin.
Panibagong daan ang aking tatahakin.
Itong panibagong yugto ng buhay na binigay Mo sa akin,
Ay aking lubos na tatanggapin dahil Ika’y may layunin
kung bakit nilagay ang isang tulad ko kaya ito’y pagyayamanin.

Hindi man maarok ng aking isip ang dahilan ng mga ito
Hindi ko rin naman ito susukuan dahil ako’y tutulungan Mo.
Sa bagong yugto na inilagak Mo sa buhay ko
Alam kong may dahilan Ka, hinahanda Mo na ang paglabas ng bagong ako.

~ 010818 / 3:41pm

What’s The Feeling of Being a Third Wheeler?

“Hindi malungkot, hindi rin masaya. Balanse lang. Ganon lang naman dapat, diba?”

I can say na since birth up to 26 years old ay third wheeler na yata ako(not yet 26 here, looking forward ang peg 😍). From my childhood friends na maagang naglablayp, high schoolmates na maagang nagdalaga at nagbinata kaya bumenta na(sorry for the term), no entry for college colleague(bisi-bisihan kasi) to now.

I have this very friend of mine na simula pa lang bata ay friend ko na. Pero hindi kami ganoon ka-close dati. Pero ngayon, parang super sisters na kami. Lovelife niya from HS ay nasubaybayan ko na. At since HS nga, naging third wheel na ako sa buhay pag ibig niya. Syempre may konting inggit pa dati kasi nga bakit siya may lablayp na ako wala pa. Mga ganyang thinking.

Pero biglang nag iba na ngayon. Dahil na rin siguro ako yung tinatakbuhan niya kapag may LQ sila ng bf niya ngayon(up to forever na), ay nakita ko kung gaano kasaya maging single. Not super happy, pero may perks at advantages pa rin.

Matagal ko na silang nakakasama sa mga lakad, minsan ako mag-aaya, minsan naman sila. At saksi ako sa kanilang buhay pag ibig at kita ko rin kung gaano kasaya ang mayroong lovelife.

Minsan pa nga ay madalas pala, sa harap ko sila mismo nag-aaway. Hindi naman bugbugan, pero yung tampuhan o hindi lang nagkaintindihan. Ako naman, mapapatalikod ng automatic because I know that’s the time that I need to step back. Pero pag harap ko, okay na sila. Kaya si ako ulit, mangingiti na lang ng automatic, again. But seriously, nakakatuwa sila. And at that moment din, automatic(again) na mapapa-imagine ako if ano naman yung magiging love life ko. Away bati din kaya kami, mga ganern. Haha. Yayyy, kinikilig ako. πŸ˜πŸ˜πŸ˜‚

So here, ngayon ko lang naisip isulat ang bagay na ito at i-post dito. Kaso I can’t show their faces, kasi nga diba, may pagka-private ang blog kong ito. Wahaha. πŸ˜πŸ˜‚

Ang maging third wheel? Masaya, kung sa masaya. *pause* Masaya talaga.

Kaya tuloy na-e-excite akong ma-meet ka na(kunwari follower kita at ito’y iyong nababasa 😍).

*****

I just want to share this super embarrassing and yet memorable day of my 20+ years of existence. To follow yung story ’bout that embarrassing moment. πŸ˜†πŸ˜…πŸ˜‚πŸ˜ƒπŸ˜„

Processed with VSCO with f2 preset
“Mahal, hindi ko makita si LA.” πŸ˜”
“Anjan lang yun. Basta naka-red siya.” πŸ˜‚

“Yung boyfriend na supportive at pipicturan ka while chasing your favorite PBA Team players. Weeeee….. Sana talaga yung soon-to-be(boyfriend)ko ay supportive rin sa aking bisyo. Tapos hindi ako pipigilan sa pagcheer(pagtili ng parang walang bukas). Tapos hindi mabwi-bwisit kahit na bugbog sarado na siya everytime na makaka-shoot ang Ginebra.”

Owww, wait. I’m being hopeless romantic na naman and believing na may ganoong klaseng guy(kung mayroon man, ipakilala niyo sakin, daliiii). Haha, ay wala nga palang ganoon.

Sa ngayon, susulitin ko muna ang pagiging third wheeler ko. Yeah. Ang saya kaya. Pramis, never akong na-OP sa kanilang dalawa. Kung iba siguro, mas pipiliin na umuwi na lang dahil hindi na maatim na makita ang dalawang love birds na ito.

Kaya lab na lab ko itong super friend kong ‘to eh. Feeling ko nga rin parehas niya kaming jowa. Tapos wala siyang MAS MAHAL.

Hindi naman sa ayaw kong magka-LL, pero kung ganito ang magiging kaibigan mo, ay nako. Sapat na, sobra pa. Saan ka pa, sakay na. Third wheel ako, diba(oha, waleyyy. πŸ˜πŸ˜πŸ˜‚πŸ˜‚).

Osha, eto na talaga ang totoong caption nito. I’m so happy for my Mahal(our endearment) that he is her Mahal(their endearment too), haha. Pero mas masaya ako dahil ako ang nauna niyang MAHAL. Yeahhhhh.

Processed with VSCO with f2 preset
“Waaahh, andun siya.” πŸ‘†
“Sino? Si LA?” 😲
“Hindi, si Semerad. Yung crush ko sa TNT.” 😍

Yayyyy, ang haba na nito. Hopsss na nga.

Note: Ako yung naka-yellow. Yeah, I’m the floor.Β πŸ’›Β πŸ˜

Nangingiti ng automatic at kinilikig ng biglaan,
Lapis ✏

Slow Downed?

Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nag-slow down ako ngayon sa pagsulat.

Dahil ba naging busy ako? Dahil ba nahihirapan na akong magpost ng palihim ng new blog post ko kasi nalipat na ako sa mas lantad na pwesto? Dahil ba hindi na ako nakakapuslit ng oras para sa aking blog? Dahil ba marami nang nakamasid na mga mata? Dahil ba natatakot akong makita nila or mabasa nila ang mga sulat ko. Dahil ba baka ma-discover nilang may blog ako at sabihing ang weird ko or ewan ko sa kung anong term nila? Dahil ba sa hindi ko malamang dahilan?

Tapos, sumabay pa si Globe na pinagtripan pa ako. Kaya kahit mobile hindi ako makapag post.

Hayyy, ewan.

Hindi ko talaga alam.

Ang laki bigla ng naging pagbabago. Naninibago ako ng bongga. Sobrang layo sa dati kong nakagawian. Para tuloy akong may tinatagong lihim na natatakot na may makaalam. Eh?

Sana hindi ito magtagal. Sana ngayon lang ito. Kasi natatakot ako na baka itong other way of my relieving stress, sadness, disappointment, discourgement, etc. ay bigla na lang mawala.

Natatakot akong maglaho na lang na parang bula itong bagay na natututunan ko nang mahalin. Bagay na ayaw kong bitawan dahil ito ang isa sa nagpapasaya sa akin.

Naninibago,
Lapis ✏

2 Years Na Kami

Ang totoo niyan, ayoko na talagang icelebrate ‘tong anniversary greetings from WordPress. Kaso naisip ko, buti nga dito sa WP nakaka-experience ako ng anniversary eh. Tapos hindi ako magdidiwang at hindi aalalahanin ang mga ganap makalipas ang dalawang taon? 😁

So, hayaan niyo pong kwentuhan ko kayo ng kwentong walang istorya. πŸ˜‚

WARNING: May kahabaan.

1. 2 Year Anniversary Achievement

Yeah, achievement it is. Nung nagpop up or nagka-yellow ng malaking tuldok yung notifs ko(sorry po, hindi ako magaling magdescribe), nakita ko nga i#@to. At ako’y nasiyahan dahil akalain ko yun, 2 years na pala. Kahit na alam kong naka-program yung greetings na ‘to, iba yung naging effect niya sakin dahilan para mas ma-inspire ako to write(in the near future) kahit na nagkukunwari lang akong writer kuno.
#Achieveeeeed

2. Happy Anniversary with WordPress.com!

Happy it is talaga. Kaya kanina, nagcelebrate talaga ako. Masarap na roasted chicken ang kinain ko for lunch(pa-lunch ni Mayora 😁), nag-Infinitea Cookies & Cream Frappe ako for afternoon snack, first time kong nagpost(this year) sa IG ko na may pagmumukha ko at ang huli, nagpa-set up ako ng fireworks sa MOA. Oh diba, bongga! πŸ˜‚πŸ˜

3. You registered on WordPress.com 2 years ago.

Binalikan ko yung araw na yun – January 20, 2016. Actually, wala talaga akong alam sa blogging chuchu na yan. Ang alam ko lang kasi ay mga inglishero at poreynjers lang ang nagba-blog at pwedeng magsulat sa internet. Gandang ganda nga din ako sa mga sites nila na ang organized masyado. 😍

To make the story short, I registered on that day ng walang idea. Pero mas nauna kong gawin ay yung sa Tumblr ko. Eh ewan ko ba at bakit tinamad na akong bisitahin yun(hanggang ngayon 😁).

So ayun na nga, my first post consists of only 3 words with heart emoji. Nasundan iyon after 8 months. Oh diba ang sipag. Ginawa ko lang kasi yun para ba maglabas lang ng mga sikreto na nasa kasuluksulukan pa ng pencil case. Hindi rin Left Pencil yung first site name ko. Saka ko na iku-kwento. Basta, wala talaga akong idea. Then nagtry akong magfollow ng some blogs. So ayun, puro poreynjers yun. Tapos may parang nakita ako sa FB na kapwa ko Tagalogers na may blog kuno. Adi inopen ko yung site niya. At ayun tuwang tuwa ako kasi hindi lang pala mga inglishero ang pwedeng magblog. Tapos nagandahan din ako sa site niya. Organized din ganern.

At ayun na nga, matapos ang ilang hindi-ko-na-alam-na-buwan, isa isa kong in-unfollow yung mga poreynjers at nagstart mag explore ng mga Pinoy bloggers. Sabi nga kasi diba, tangkilikin daw ang sariling atin. 😊

I decided din na lumabas sa aking comfort zone at magstart makipag-usap or let’s say, maki-feeling close sa mga Pinoy bloggers here nga. Nakakatuwa lang kasi nagrereply sila sa mga comments ko sa posts nila even though unknown ang tunay na ako. Hihi. 😍

Pero ang isa sa hindi ko makakalimutan talaga ay ang biglang may nagfollow sakin. Chaaaaran, Dr. Eamer followed me. Akalain ko yun, Doctor ang unang nagfollow sa walang ideang Lapis na tulad ko. Amaze na amaze din ako sa username/site name niya na nalaman ko ang istorya dun sa book na LIB. Nakakita din ako ng kaunting liwanag na ang isang tulad ko ay may chance na magkaroon din ng book/books(na super dream ko). Hindi ko rin makakalimutan ang nagawang pagpapasaya sa akin ni Ate Space sa mga posts niya. Siya rin ang dahilan kung bakit discounted ang book na binili ko kay Doc. Yeah, I still remember that discount code. At hanggang ngayon naghihintay pa rin ako kung kailan ko ulit iyon magagamit. 😁 Eto naman, si Ate Aila na inspiration ko para magpatuloy kay past love ko. Hanggang ngayon nga kinikilig pa rin ako sa KyxAila Series. 😍😍😍 Si Ate Rhea na nagsilbi namang tagatasa sa napupudpod kong pangsulat(lead) dahil sa mga blog posts niyang makabagbag damdamin(sabbbeee). Si Kuya Blue naman ang isa sa dahilan kung bakit isinilang ang isa kong blog patungkol sa aking past and present love feat. future love(hanudaw???). Si Kuya Shades naman ang isa sa inspiration ko para magtravel ng mag-isa. Si Ate DakilangLaagan naman na masasabi ko talagang dakilanglaagan siya. Iba eh. Ang amazing po niya. Si Ate Aysa naman na walang kyeme na nirereplyan yung mga comments ko sa mga old posts niya. As in old posts talaga. Kaya tuloy minsan tinatry ko na lang na hindi magcomment kasi daw inaalala pa niya yung ganap ’bout dun sa posts niya na yun. Saka baka rin kasi magmukha na akong super FC na comment ng comment. Haha. Pero ayun nga, nakakatuwa lang kasi hindi siya dedmabels sa pagpapapansin ko. At hindi ko na po maalala ang iba pa. Sorna. Ayoko na rin po kasing balikan pa ang nakaraan(charaught).
#Hugot???

Nakakatuwa lang din, kasi it’s been two years na nga, Β but still anjan pa rin sila/kayo na hindi nagsasawang makipag-utuan sakin(sorry for the term 😁).

Pero ayun nga po, thank you po sa lahat ng naging parte ng dalawang taon na iyon na nagdaan. I can’t mention all of you na po dahil sadyang makakalimutin po ang lapis. From the bottom of the deep black lead, thank you for liking my posts, commenting on it, exchanging thoughts about life and others and for making that 2 years so memorable kahit na nakalimutan ko na(eh?). Ang gulo ko po noh?

Ang yeah.
Salamat po!
Thank you very much!
Kamsahamnida!
Grazie!
Gracie!
Danke!
Arigato!

4. Thanks for flying with us. Keep up the good blogging.

Hindi ko alam kung bakit “for flying with us”. Napaisip tuloy ako kung kapatid ba ni WorPress si Twitter? Oh diba, waley. Pero ayun na nga, nakaka-GV yung “keep up the good blogging”. Eh feeling ko nga wala pa sa kalingkingan ng good yung mga gawa ko. Nagpapanggap lang kasi talaga ako eh. Hindi ko pa rin kasi masabing, “I’m a blogger.” Siguro more on a typer at literal na writer(with lapis syempre) ng kung anu ano na bigla lang papasok sa aking isip. Ang nasa isip ko kasi talaga ay yung mahahabang blog posts na may katuturan, ganern. Tapos in a consistent style/way ba(like what the writers do in Thought Catalog). Basta yun na yun.

Pero eto na nga, papanindigan ko na lang ‘tong sinabi ni WP. Fake it until you make it. Something like that. 😊

At ayown, babush na. Nalowbat na’t lahat hindi ko pa na-post. Annyeong!

Naubusan ng tasa,

Lapis ✏

P#11 – Sino Sa Kanila? (Sad Version)

Processed with VSCO with m3 preset

Sino ang mas pinagpala?
Siya na may pera pero walang pamilya?
O ikaw na may pamilya pero wala namang pera?

Sino ang mas pinagkaitan?
Siya na walang makain?
O ikaw na hindi gusto ang nakahain?

Sino ang mas malungkot?
Siya na walang higaang matulugan?
O ikaw na hindi makatulog sa iyong higaan?

Sino ang mas tinraydor?
Siya na siniraan ng talikuran?
O ikaw na pinlastik ng harapan?

Sino ang mas nasaktan?
Siya na iniwan ng taong kanyang pinaglaban?
O ikaw na binuhusan ng alcohol ang sugatang katawan?

Sino ang mas umiyak?
Siya na nasunugan ng bahay?
O ikaw na namatayan ng mahal sa buhay?

Sino ang mas mahina?
Siya na nakaratay sa bahay gamutan?
O ikaw na hindi kayang ipaglaban ang inyong pagmamahalan?

Sino ang mas nahirapan?
Siya na mag-isang kumayod para sa pamilya?
O ikaw na nagtago sa iyong asawa dahil may kalaguyo ka?

Sino ba?
Sino nga ba sa kanila?

~ 011818 / 8:24pm

P#10 – Nawawalang Letra

Kasabay ng pagdating mo sa buhay ko,
ang paglagay ko ng unang letra ng pangalan mo sa nickname ko.
Gandang ganda ako sa tuwing tititigan ko ang nickname ko.
Ang ganda talaga sa paningin, salamat sa unang letra ng pangalan mo.

Ngunit ang pagdating mo’y pansamantala lang pala.
Pero ang unang letra ng pangalan mo ay hindi ko binura.
Ang pagdating mo’y tila isang bagyong mapangwasak.
Kaya ang puso ko’y na-wash out, ayun wasak na wasak.

Walang natira sakin, pati ako, sa sarili’y tila nawala rin.
Ang lahat ng sakit ay hindi ko nagawang limutin.
Ang mga nagyayari sa paligid ay hindi ko na din napapansin.
Tumawa, ngumiti ay hindi magawa kahit na aking pilitin.

Ilan taon na ang lumipas pero hanggang ngayon ikaw pa rin talaga
Sa bawat araw at gabi, ikaw at ikaw ang palaging gustong makita.
Pangalawang pagkakataon, sa ati’y wala na bang pag-asa?
Ang totoo kasi ay namimiss na talaga kita.

Tingnan mo, ang unang letra mo ay nandito pa hanggang ngayon.
Hindi ko magawang alisin kahit na nagdaan na ang mga panahon.
Ayaw mo ba akong maging parte ng iyong ngayon?
Mananatili na lang ba talaga ako sa iyong kahapon?

Kailan ba ako magigising sa katotohanan?
Kailan ba tatanggapin na wala ka sa aking kinabukasan?
Kailan ba titigil sa pangangarap ng walang hanggan(forever)?
Kailan ka tuluyang aalisin sa aking magulong isipan?

Sa tuwing isusulat nga nila ang aking pangalan
Wala palagi ang unang letra ng iyong pangalan.
Bakit ganun sila? Sa FB sila’y friend ko naman.
Pramis, ang mawala iyon ay hindi ko hahayaan.

Ang makitang magkatabi ang una at pangalawang letra
Ay nagbibigay sakin ng kakaibang saya.
Dahil doon ay katabi kita
Iyon sa akin ay sapat na.

Pero parang ako na lang talaga
Ang nagpupumulit na iyon ay manatili pa.
Ayaw pumayag na iyon ay alisin na.
Mali, ako lang pala talaga at wala nang iba.

Ngayon, ako ba’y tuluyang masasanay na,
Na hindi makita ang iyong unang letra?
Sa gagamiting account(office) ito’y inalis nila.
Sapat ba ito para aking tanggapin na,
Na hindi talaga sila(una at pangalawang letra) para sa isa’t isa?
Ito ba’y makakatulong para ako’y maka-move on na?
Ako’y hindi mo na yata talaga babalikan pa.

Hay, saan ka ba napunta, NAWAWALANG LETRA?

~ 011818 / 5:09pm

#50 – Instead

Ang dami dami ko pong drama
Mga hinanaing, himutok at marami pa.
Hindi dapat ganito
Ako ay dapat na matuto na.

Sa halip na magreklamo, ako’y magtitiwala Sayo
Sa halip na dumaing, ako’y mas lalapit Sayo
Sa halip na umiyak, ako’y mas tatawag Sayo.
Tama, ganun ang dapat na gawin ko.

~ 010818 / 3:29pm