In God We Trust

Hi there every one (ako lang talaga ‘to eh haha). Eniweys, SKL – share ko lang.

Nagulat lang ako na may ilaw na ulit yung tagline ng Cityland sa may MET1. It says, “In God We Trust”. FYI, all Cityland buildings ay meron nun. So kung nakakita po kayo, ehem, one of Cityland’s iyon.

Again, share ko lang. Huling nakita ko na umilaw yun ay noong naghahanap ako ng work last year. Pinanghawakan ko ng bongga yung tagline na iyon. Yung feeling na habang nagmumuni muni ako at tinatanong ang sarili ng, “Saan ako nagkulang at nagkamali?”, “Am I not enough?”, “Kailan ko matatagpuan yung right for me?”, “May mali ba akong nasabi kanina?”, “Pangit ba ako?”, “Ka-reject reject ba ako?”, “Then why?”. Haha. Char lang yung last three. While reminiscing those moments sa sala ng aming boarding house ay bigla bigla na lang iilaw yung tagline na iyon. FYI again, every alas sais hanggang alas diyes lang iyon nailaw. It feels like it is talking to me na, “Wag ka na sad. In God you trust, right?”. After seeing that, bigla na lang ako mabubuhayan ng loob. Muling babangon para mag apply muli at magpractice ng isasagot from last interview questions. And then boom, ako ay natanggap sa trabaho. But wait, there’s more. Wala iyon ilaw nung nasa Cityland pa ako. Bali three and a half years yon. Umilaw nung nagresign ako at naghahanap ng trabaho. Then namatay ulit nung nagkawork na ako. Saya diba. Haha.

Another Cityland’s tagline story.

Nagresign ako dun sa 2nd work ko last September. Again, from the moment na nagkaroon ako ng work hanggang sa pag aapply muli [pabalik ng Cityland], hindi iyon nailaw. Dito ko na feel yung feeling ni Inay Rhea kung paanong nakatulong sa kanya yung tagline at yung lungkot na makitang iyon ay pundi na. Super lungkot ko nung mga time na yon. Gusto ko na rin sumuko. Yung feeling na baka ako na lang yung nagpupumilit na makabalik. Yung feeling na mismong si Cityland na ang nagpatay ng pinanghahawakan kong pag asa. I waited for exactly 5 weeks and another boom, nakabalik ako ng Cityland pero patay pa rin ang ilaw ng MET1. Ang dami kong realizations from that. Next blog na lang. Haha.

And now, bigla siyang umilaw. Seems like it is reminding me amidst of what’s happening sa paligid, (COVID19) na I should trust Him, everyday, always. Na hindi dapat ako matakot at sumabay sa mga nagpapanic buying dahil He’s in control. Everything happens for a reason ika nga.

“Fear and panic often traveled much faster than the virus itself.” – Manuel Dayrit (Former Health Secretary).

That’s right naman. So chilax lang tayo. Chilax ka lang lapis. Wag mapraning ng bongga. This, too, shall pass. ✏

2 thoughts on “In God We Trust

  1. Nabanggit pala ako dine.

    Di ko napapansin kung umiilaw pa itong tanaw ko sa unit ko. Bihira kasi akong tumambay ng gabi sa sala.

    Haay 2020. Daming ganap.

    Pag naghuhugas ako ng kamay, kumakanta ako ng chorus ng Trust His Heart, para 20 seconds hugasan. 🙂

    Like

Leave a comment