When Living in a Boarding House Became Boring (The Boring House)

The moment na nakabalik ako dito sa Manila, to be specific dito sa boarding house, I started to feel boredom. Sabi ko sa sarili ko baka homesick lang. Kasi naman, 5 months and a half akong nagstay sa probinsya eh.

But then, as the days passed by, ramdam na ramdam ko talaga yung boredom. Watching Kdramas, reading Webtoons/books/epubs no longer excite me, sometimes sigi. Haha. Tapos hindi pa makapagtravel kasi nga may virus pa, kaya ayan, bagot na bagot si Inday. Dagdag mo pa yung wala akong makausap or makachikahan na friends face-to-face. Hayyy, kakamental breakdown talaga. Yung feeling na makikinig ka lang sa mga chikas nila, solve ka na. Pero wala, hindi pa pwede. Tapos yung mga friendships ko from province ay next year na babalik here. Huhu. Aymsomag-isa. May dalawa pa palang nandito kaso… hmp, nevermind.

Dati kasi, super enjoy ako dito sa boarding kahit na ako lang mag-isa. Bilang na bilang ang uwi ko sa probinsya dati. Pero ngayon, gusto kong umuwi weekly pero ang mahal na umuwi ngayon, carpool eh. Carpool na ginawang business nung iba. Hayyysss. Bawal pa din kasi ang mga provincial buses dito sa Manila ih. Huhu. Sad.

That’s why I decided to buy a violin to beat the boredom. Matagal ko na rin kasing gustong matutunan si violin. Saka sale kasi si RJ Music Guitar Center eh. Actually, dapat keys (keyboard) kaso masyadong malaki. Hindi ko alam kung saan ko ilalagak dito sa boarding. Kaya sa maliit na instrument nauwi. At saka pa-advance birthday gift ko na rin ‘to sa sarili ko. Hihi.

Kahapon ako bumili kasi nga 12.12 kahapon. Haha. Every year pala may sale po si RJ bago pa man mauso yang 12.12, 11.11 na yan. Haha. Sa kanila ko rin nabili yung acoustic-electric guitar ko na nasa probinsya saka yung beatbox ni Ate.

After ko makabili, sumibat na rin ako agad agad. Masyado akong natakot sa mga SALE eh. Ay, sa COVID din pala. Haha. [Ang dami kong “Haha” no po? πŸ˜‚]

Kung itatanong niyo po, yes, wala po akong idea kay violin. As in Grade 1 ang peg ko. Di ko rin alam kung saan ako magsisimula. Saka kaloka, kapaan pala ang style dito kay violin. Walang frets unlike sa gitara na alam mo kung saan mo ilalagay yung mga daliri mo, may pattern ba. Eniweys, anjan naman sila Google at Youtube, bahala na.

Super saya ko nung pauwi na ako habang nakasukbit ang violin inside the bag sa likod ko. Alam mo yung feeling na sinagot ka na ng nililigawan mo. Haha. Wait, babae pala ako. Baguhin natin. Alam mo yung feeling na nagconfess sayo yung kras mo na kras na rin daw niya. Pak, ganern. Ngiting ngiti talaga ako while walking. Buti na nga lang talaga may mask kung hindi baka napagkamalan na akong baliw ng kung sinumang makakasalubong ko. Imagine, from Glorietta to Chino Roces via Ayala Avenue ang nilakad ko at kilig na kilig talaga ako sa aking paglalakad with pasway sway pa ng kamay at criss-cross walk. Haha.

Sa nangyayari kasi ngayon, we really should find something na lilibang sa atin. So, good luck to me.

Goal ko, making this boring house into a comforting one. Super comforting kasi for me yung tunog ng violin. Ewan lang pag ako na yung natugtog. Haha. K, bye at manunuod pa ‘ko ng tutorial. 🀣

15 thoughts on “When Living in a Boarding House Became Boring (The Boring House)

  1. Gusto ko din matutunan ‘to! Bilang musikero, gusto nating madagdagan pa ang mga instrumentong kaya nating tugtugin. So kumusta, may alam ka na bang chords?

    Same lang ‘yan sa harmonica na tantyahan lang ang chords. Ang Tatay ko kase puro mga wind instruments ang gamit. Kaya nung sinubukan ko mag do-re-mi medyo nahirapan ako nung una. Hahah. Pa-try din next time. ☺️

    Liked by 1 person

    • Totoo po. Matagal ko na talaga target to eh. Haha. Konti po. Haha. Pero lost pa rin ako. Pero natry ko na po yung first verse ng Oceans (Hillsong). Hindi ko na ulit natuloy kasi masyadong distracted sa ibang bagay. Haha.

      Ganun nga po yata. As in, kakapain mo kung saan mo lalagay kamay mo. Sure po. Parang kahit saan ako magpunta pwede kong dalin kasi ang handy niya lang. Gusto mo pong ampunin muna? Hindi ko po kasi iuuwi sa province eh at masesermonan ako ni Mama for sure. Haha. Ang dami na kasing instruments sa bahay. Haha. Lels.

      Liked by 1 person

  2. Congratulations for the purchase! πŸ˜€ Many of us have found the time to take up previously unfinished hobbies ngayong pandemic, kaya di ka nag-iisa haha!

    (On a side note, matagal ko nang kursunada bumili sa RJ! Pag daw Christmas sale, up to 50% off yung discount sa actual store — pero two hours before closing pa.)

    Liked by 1 person

    • Thank you po. Hehe. Sana nga po hindi ko sukuan. *fingers crossed 😁

      Ay opo. 40% po yung nabili ko. Hindi ko na po kasi hinintay yung closing nila eh. Masyado ng gabi. 9pm pa po kasi yung 50%. Eh katakot na pong gabihin nowadays. Or ako lang ang takot? 😁 Try niyo po minsan, kahit yung time ng 40%. Super laki ng tipid. 😊

      Liked by 1 person

      • Haha, medyo awkward yung may honorifics ka pa sa akin =)) Mabuti ka nga naka-move out eh; ako naman, stuck pa sa bahay ever since nag-WFH setup. Though nakakatipid din kasi

        Sakto, malapit na ang 13th month at may malapit na RJ Guitar Center sa akin! πŸ˜€

        Thanks for following the blog, by the way! πŸ™‚

        Liked by 1 person

      • Hala, nasanay po kasi ako eh. Haha. Sigi, alisin ko na. 😁 At least, safe ka sa virus diba?. Yun na lang ang isipin natin. Saka true, tipid mats talaga. Wag lang mag Shopee or FoodPanda. Haha.

        Yun oh. Bili na.

        You’re welcome. 😊

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s